Ruffa Gutierrez, tinawag na ‘walang hiya’ ang inang si Annabelle Rama

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, tinawag na ‘walang hiya’ ang inang si Annabelle Rama

Ruffa-Gutierrez-Annabelle-RamaAKALA KO, maayos na naitawid ang pa-dinner ni Tita Annabelle Rama para sa kanyang kaarawan last Saturday sa 71 Gramercy sa Makati.

Piling-pili ang mga nasa guests lists, mabibilang mo lang ang gustong i-invite ni Tita Annabel. In short, ‘yong mga nandoroon, mga personal friends ng ina nina Ruffa at Richard Gutierrez.

Ang Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces at Mother Lily ay present. Maging ang anak ng mister na si Eddie Gutierrez kay Liza Lorena ay imbitado at dumalo.

Akala ko, ayos ang lahat. Naka-smile ang lahat sa picture-taking na nakita namin sa mga IG postings ng ilang mga guests na invited.

ADVERTISING

Maging ang celebrity host na si Ruffa Gutierrez was enjoying the party with current boyfriend Jordan Mouyal na isang French-Arab businessman.

‘Yun pala, may walk-out scene na nangyari na hindi na lang ipinagkalat ng mga naroroon that evening para huwag nang lumala pa ang sitwasyon.

Yes, nag-walk-out si Ruffa nang ipahiya at bastusin siya ng ina nang harap-harapan sa mga bisita nu’ng gabing ‘yun.

Wala mang tinutukoy, nagagalit si Tita Annabelle tungkol sa pakikipagrelasyon ni Ruffa sa lalaki na ang tinutukoy ng ina ay PG (read: Patay Gutom) na siyempre; sino pa nga ba kundi ang current BF ni RG na si Jordan.

Sa pagwo-walk-out ni Ruffa sa party, kinabukasan, Sunday, nagkaroon na ng bangayan ang mag-ina sa kani-kanilang Twitter accounts. In short, ladlaran na ng mga sentimiyento nila sa isa’t isa dahil sa insidente.

Say ng ina: “Since day one, ‘yan lagi nating pinag-aawayan, love life mo, mahirap bang humanap ng guy na stable? May degree, businessman, naghahanapbuhay?

“Hindi ka naman namin pinalaki ng Daddy mo at pinag-aral sa best schools para lang pumatol sa mga P.G. Wake up!!! It’s not too late yet. Sayang ang beauty mo at pagiging matalino mo. Waste of time ‘yang mga P.G,” dagdag pa ni Tita Annabelle sa kanyang IG posting.

At 40 years old na may dalawang ng anak (Venice at Lorin), pakiwari ng celebrity host na nag-over the bakod na ang ina.

“It doesn’t mean that just because you are a mother you have the right to be BASTOS and embarrass your child in front of people! Excuse me… not only in front of people but in front of family & friends at an intimate dinner party. I am a mother too! And I would never do that!

“I walked out because you have crossed the line! You tried to be funny at my expense! Kung ikaw walang hiya, bigyan mo naman ng kahit konting hiya at respeto ang pamilya mo! What u did is not normal,” banat naman ni Ruffa sa ina sa kanyang IG posting.

Ayon sa host, matapos ang kaguluhan, isang tao lang ang nangumusta sa kanya. “Oh and guess what? No one even called or asked me if I was fine. Only 1 person,” na I’m sure ang tinutukoy niyang one person ay ang boyfriend na si Jordan.

Kung maaalala pa, naikasal si Ruffa sa mayamang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas na ama ng dalawa niyang anak pero ang supposed to be marriage “made in heaven” ay nauwi sa pagiging battered wife ng celebrity host noon.

Kung sa bagay, kami na tagamasid sa mga kaganapan sa showbiz ay naaaliw. Hindi na bago ang bangayan ng mag-ina noon pa man but with the social media na halos buong bayan ay nakatutok, parang off na nga ang mga nangyayari.

Ang mga ganitong real-life scenes ng mag-ina ay dapat na-capture on camera para masabi na ang cable show ng mga Gutierrez’ ay mas tunay at hindi scripted just like the other shows produced in the US na aliw kami sa pagiging genuine at makatotohan para masabing “talbog” nila ang mga Kardashians.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING