Ruffa Gutierrez, tinapos na raw ang isyu sa kanila nina Shaina at John Lloyd

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, tinapos na raw ang isyu sa kanila nina Shaina at John Lloyd

Ruffa Gutierrez, tinapos na raw ang isyu sa kanila nina Shaina at John Lloyd

PARA KAY RUFFA Gutierrez, case closed na ang isyu sa kanilang tatlo nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz. Matapos ang tell-all interview sa kanya ni Mo Twister na umere sa Paparazzi Showbiz Exposed two weeks ago habang pa-out of the country naman siya, sa kanyang pagbabalik sa Pillipinas ay wala na raw siyang anumang dapat na maging pahayag pa.

“Naku, kung anuman ‘yong mga nasabi ko, iyon na ‘yon,” aniya nga during our recent interview. Ayoko nang mag-expound pa ro’n. And I’m sure it was very clear. And, uhm… kung anuman ‘yong mga nasabi ko, iyon na ‘yon.”

Wala na rin daw naging reaksiyon pa ang kampo nina Shaina at John Lloyd hinggil dito. Wala rin umano siyang tawag o anumang text message na na-receive pa mula sa dalawa.

ADVERTISING

“Wala na. Tahimik na lahat,” nangiting sabi pa ng actress-TV host.

‘Yong nabanggit niyang Batman sa buhay niya, kumusta na sila?

“Alam mo, never naman talaga akong naging open sa aking personal life. It just so happen na that time, I just want to clear it and justify the fact na… wala na siya (John Lloyd) sa buhay ko. Na… may mga iba na nanliligaw. May mga iba nang nakapaligid sa akin. So… walang dapat alalahanin ang kung sinuman.”

So… secretive na naman nga siya when it comes to her lovelife?

“Always naman akong naging secretive, ‘noh? At saka si Batman, hindi naman tinanggal ‘yong mask niya. May mask pa rin siya,” natawang sabi pa ni Ruffa.

Gaano pa katagal bago ma-unmask ang kanyang sariling Batman?

“I’m going through an annulment. So kailangan talaga maging tahimik muna ang lahat. Pero you know, siyempre may mga taong umaali-aligid nang konti. But for me nakakapagod na rin. ’You know… para sa akin, kung nandiyan… nandiyan. You know… if they make you happy, then it’s okay. But once they started giving you problems, you should erase them from your life. Kasi life is too short. And I have two little girls (her daughter Lorin and Venice ) that I have to be accountable for. Sila ‘yong main priority ko.”

Masasabi ba niya nang diretsahan na hindi magiging malamig ang Pasko niya ngayong taon na ito?

“Malamig na malamig! Kasi nasa New York at L.A. kami ng buong pamilya!” natawa ulit na sabi ni Ruffa. “It’s gonna be snowing there! Pero in terms of embraces eh, magiging warm naman kasi kapiling ko sina Lorin and Venice.”

May communication na ba sila ulit ngayon ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas? Nagpaparamdam ba sa kanya ito lately?

Pabiro ang sagot niya na… “Ay, ang feeling ko kailangang magparamdam na ako sa kanya ngayon para mahanap na si Ramona (Bautista, isa sa suspect sa pagpatay sa kapatid nito na si Ramgen Revilla na balitang nasa Cyprus na)! Hahaha!

“Kasi… naisip ko lang, when they said that she (Ramona) escaped to Turkey, talagang… naloka lang ako talaga! Kasi, kahit papa’no… nando’n pa rin ‘yong Yilmaz factor. And sinabi nilang walang extradition treaty (between the Philippines and Turkey) so talagang… it goes to show talaga na tama ‘yong desis-yon ko. Na kailangang si Yilmaz ang bumisita rito. At hindi kami (ng kanilang dalawang anak) ang pupunta roon (sa Turkey). Kasi hindi na ako mahahanap! Baka mamaya ilagay n’yo… asan na si Ruffa Gutierrez? Hahaha! Nawawala na siya!”

Tungkol sa kanyang career naman, ano ang susunod niyang teleserye sa TV5 after Mga Nagbabagang Bulaklak?

“I’m gonna start something in January.”

With whom?

“Wala pa. Pinaplano pa lang ang tungkol dito. Meron akong movie ngayon. I’m doing Dead Na Dead Ako Sa ‘Yo with Pokwang, Gabby Concepcion, and John Lapus. We still have 7 shooting days to go. So hopefully matapos na ‘yon by December,” panghuling nasabi ni Ruffa.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING