Ruffa Gutierrez, puro bagets ang pumuporma

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, puro bagets ang pumuporma

Ruffa-Gutierrez‘DI KO alam kung seryoso si Tita Anabelle Rama sa pambubuking sa anak niyang si Ruffa Gutierrez na mas maraming mga “bagets” na walang mga pera ang pumuporma ngayon kay Ruffa. Noong kasal at nagsasama pa si Ruffa at mister niyang si Ylmaz Bektas, money is not an issue ‘ika nga, na mismong sa bibig ng ina ni Ruffa lumabas.

Pero sa tipo ni Ruffa who got married at a young age, tila ini-enjoy lang niya ang buhay niya bilang isang single parent sa dalawa niyang dalagita. Ma-link man siya sa mga lalaking artista, kebs nga naman niya. Sanay na rin naman siya sa mga intriga.

Sa May 28 si Ruffa ang “the other woman” sa relasyon nina Coco Martin at Sarah Geronimo sa pelikulang Maybe This Time mula sa Star Cinema sa direksyon ni Jerry Sineneng.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING
ADVERTISING