Ruffa Gutierrez, pumalag kay Kuya Germs – Julie Bonifacio

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, pumalag kay Kuya Germs – Julie Bonifacio

Ruffa Gutierrez, pumalag kay Kuya Germs – Julie BonifacioNATIGILAN SI John Lloyd Cruz nu’ng tanungin namin siya sa presscon ng In My Life ng Star Cinema kung ano ang reaksyon niya sa balitang iniyakan daw ni Ruffa Gutierrez ang balitang nagkakamabutihan ulit sila ng ex-girlfriend niyang si Liz Uy.

“Bakit naman siya iiyak?” nangingiting sagot ni John Lloyd.

After a long time, nagpadala ulit ng message si Ruffa sa kanyang K Text. Tumigil si Ruffa sa pagpapadala sa kanyang K text simula nu’ng ma-link siya kay John Lloyd.

Eto ang nilalaman ng K text message ng host ng Ruffa and Ai sa kontrobersyal na isyung pag-iyak daw niya  kay John Lloyd. “Please tell Kuya Germs (German Moreno)  wala ako’ng iniiyakang lalaki. Nakakaloka na ang balita! I’m human. Can’t I cry and be sad for a day? Does it have to be because of a boy???”

ADVERTISING

Nali-link sa mga male ABS-CBN stars ang controversial new talent ng Star Magic na si Maricar Reyes. Isa siya sa tinuturong dahilan ng beak-up nina Luis Manzano at Angel Locsin. May balita rin na nagde-date sila ng  heartthrob na si Sam Milby.  And prior to Luis and Sam,  nakita rin siyang nakipag-date sa dating TV Idol winner na si  Ahron Villena na co-star niya sa Bud Brothers.

Can’t blame naman the boys kung gusto nilang i-date si Maricar. Kaya lang, mukhang hindi magandang imahe ang nabubuo at  dahil dito muli ay babalik-balikan ang issue sa kanya with her ex-boyfriend na si Hayden Kho.

Hindi nga siya nagsalita sa naging national issue na sex video scandal nila ni Hayden pero hindi naman tumitigil ang tsismis sa kanya na pakikipag-friends sa iba’t ibang  guys sa showbiz.

On second thought, dahil nice naman ang mga aktor na lumalapit sa kanya para maging kaibigan kaya siguro pumapayag si Maricar na lumabas-labas with them. Siyempre, gusto rin naman siguro ni Maricar na magkaroon ng mga friends sa showbiz at pansamantalang kalimutan ang dilemma na pinagdaanan niya.

AS FOR LUIS, itinanggi na niya na may kinalaman si Maricar sa break-up nila ni Angel sa presscon ng movie nila ng Mommy niya na si Governor Vilma Santos at John Lloyd Cruz, ang In My Life.

Wala naman din ngayong girlfriend si Sam kaya okey lang makipag-date muna sa ibang girls. Mako-confirm lang natin na there’s something going on with Maricar and Sam sa concert ng Accustic Heartttrob back-to-back with Richard Poon na crush din ang baguhang artista sa Metrobar West sa Biyernes, August 28.

Paano na si Anne Curtis na naghihintay na balikan ni Sam?

ANYWAY, BINENTA na pala ni Sam ang kanyang motorsiklo na ginamit niya sa movie nila ni Bea Alonzo na And I Love You So. And instead of a motorcycle, bumili siya ng bagong van.  Kaya nga lang nagasgasan ito agad nu’ng bumangga sa isang kotse.

Ang nakakatuwa kay Sam, instead na magalit at mag-tantrum tulad ng ibang artsta d’yan, siya pa ang nagbigay ng pera sa babaeng may-ari ng kotse para ipagawa ang parte ng sasakyan nila na bumangga sa bagong van ni Sam.

‘Yun na.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

ADVERTISING