Ruffa Gutierrez, patuloy na kinukulit sa text ni John Lloyd Cruz!

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, patuloy na kinukulit sa text ni John Lloyd Cruz!

Ruffa Gutierrez, patuloy na kinukulit sa text ni John Lloyd Cruz! KUMPIRMADONG NAKIPAGHIWALAY NA nga si Ruffa Gutierrez kay Cesar Flores at ang dahilan ay hindi na nakayanan ng aktres ang long distance affair kaya ito na mismo ang nagdesisyon na tantanan na ang pakikipagkomunikasyon sa milyonaryong manliligaw.

ADVERTISING

Samantlala, may nagsabi rin sa amin na totoong hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang pagpapadala ng mensahe ni John Lloyd Cruz kay Ruffa na siyang dahilan kung bakit napapangiti nang lihim ang beauty queen-actress sa kabila ng katotohanang may Shaina Magdayao na ito.

Sa kabilang banda, tungkol naman kay Annabelle Rama, sinabi nitong hindi siya nagpapakontrobersiyal kung bakit nag-walk-out siya sa nakaraang Star Factor ng TV5, dahil mas pabor itong manalo si Gibo na isang Cebuano. Ayon kay Annabelle, mas may K at mas magkakaroon ng future si Gibo kumpara sa nakalaban nito.

MARAMI ANG NAKAPANSIN na hindi pa kayang mag-isa ni Sarah Geronimo dahil ang kanyang programang Idol at ang pelikulang Hating Kapatid ay hindi masyadong tinangkilik ng mga manonood. “Iba pa rin kapag si John Lloyd ang kasama niya sa pelikula, hindi pa niya talaga kayang mag-isa,” pahayag iyon ng isang direktor na malapit sa puso ni Sarah.

ADVERTISING

Ang Idol na ngayon ay kasalukuyang ipinapalabas sa Dos ay hindi rin ganu’n kataas ang ratings. At komento ng marami, hindi raw maganda ang ipinakikitang acting ng dalaga bukod pa sa hindi maganda ang istorya na parang basura.

Kailangan talaga ni Sarah ang presensiya ni John Lloyd para muli siyang pag-usapan like Angel Locsin na muling nabuhay ang career dahil sa Imortal nila ni John Lloyd na tinututukan talaga ng maraming manonood, dahil sa kakaibang istilo at istorya, idagdag pa ang mga kakaibang eksena at acting na ipinakikita ng cast ng nasabing pantaserye.

PANSAMANTALANG MAMAHINGA ANG grupo ng Sexbomb habang naghihintay ng bonggang show sa Channel 7. Pero ayon sa nakarating sa aming balita, ngayon pa lang daw ay may magandang alok na sa nasabing grupo ang Channel 5.

Ayon kay Joy Cancio, totoong may nilulutong bagong show ang Channel 7 para sa kanyang mga alaga, pero hindi ito nangangahulugang tsugi na ang beauty nila sa kanilang mother studio. “Anyway kahit pansamantalang walang ginagawa ang grupo ay busy naman kami sa mga show at lahat naman sila may ginagawa, kanya kanya nga lang muna,” pahayag ni Joy na nagpapasalamat sa lahat ng mga taong tumangkilik ng katatapos na Danz Showdown.

Mariing itinanggi ni Joy na nakikipag-negotiate na siya, ngayon pa lang sa Channel 5, dahil mananatili raw ang kanilang loyalty sa Siyete. “Actually noon pa ang isyung iyan pero up to now, nandito pa rin kami sa Siyete. Habang gusto nila kami rito, mananatili kami rito,” pagwawakas ni Joy.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING