Ruffa Gutierrez, natakot sa fans nina Sarah Geronimo at Coco Martin

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, natakot sa fans nina Sarah Geronimo at Coco Martin

Ruffa-GutierrezBAGO SINAGOT ni Ruffa Gutierrez ang tanong ng press sa ginanap na presscon ng Maybe This Time na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at Coco Martin under Star Cinema na dinirek ni Jerry Sineneng, nanawagan siya sa mga fans nina Sarah at Coco na huwag magagalit sa kanya dahil naging kontrabida siya sa pagmamahalan ng dalawa.

“Huwag ninyo (Sarah at Coco fans) akong babatuhin ng kamatis. Sa pelikula lang ako naging marahas kay Sarah, dahil ‘yun ang role na ginagampanan ko,” say ni Ruffa na kahit anong itanong ay nasasagot nang maganda at mahusay na paliwanag.

Sa ginanap na presscon, hindi nakalimutang i-plug ni Ruffa ang airing sa E! Channel 57 ng Sky Cable ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, reality show ng Gutierrez family na mapapanood simula sa June 1, 9:00 pm.

Sa May 28 ang playdate ng Maybe Be This Time kaya ratsada ang beauty ni Ruffa sa mga TV guesting para sa promo ng pelikula nila nina Sarah at Coco dahil pupunta siya sa Singapore sa May 21 kaugnay ng final meeting niya sa mga executive ng E!

ADVERTISING

Lalabas si Ruffa na girlfriend ni Coco sa Maybe This Time na ang pangalan ay Monica. Magiging kontrabida si Monica sa relasyon nina Anton (Coco) at Steph (Sarah) dahil malalaman niya na may nakaraan ang dalawa.

Pagmamalaki ni Ruffa na kahit kontrabida ang role niya sa movie ay hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang project dahil malaking opportunity raw sa kanya ang makatrabaho sina Coco at Sarah na itinuturing niya na mga young superstar.

Isa pa raw sa dahilan ay first time niyang makakatrabaho si Direk Jerry Sineneng na nagsabi sa harap ng press na napagkamalan niyang suplada ang former beauty queen pero isa ito sa mga pinakamabait at pinakamagaan na kontrabida.

Sa movie, siguradong gagayahin ng mga fans ang mga malulutong na linya ni Ruffa tulad ng “He’s my boyfriend now.

You can’t compete with me. Don’t even try,” at “You lying backstabbing boyfriend grabbing witch!”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING