Ruffa Gutierrez, nagmukhang sinungaling sa rebelasyon ni John Lloyd Cruz!

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, nagmukhang sinungaling sa rebelasyon ni John Lloyd Cruz!Ruffa Gutierrez, nagmukhang sinungaling sa rebelasyon ni John Lloyd Cruz!DENY NANG DENY dati si Ruffa Gutierrez na naging sila rin ni John Lloyd Cruz before. Ngayon, sa pag-amin ng aktor na nagkaroon nga sila ng espesyal na relasyon, ang dating eh, ang tagal din nga niyang nagsinungaling.

Pero in fairness kay Ruffa na lagi ngang nakadikit pa rin sa mga usapin tungkol kina Shaina Magdayao at John Lloyd, ilang beses na rin siyang nanawagan dati na umamin na kasi ang aktor dahil hindi nga naman maganda na ang babae ang nagsasalita.  So understandable kung mag-deny nga siya. Dahil ipaghalimbawang may inamin siya, nakakahiya nga naman kung i-deny siya ng lalaki, ‘di ba?

For sure, hindi naman siguro na-shock si Ruffa na biglang aamin na pala si John Lloyd. Kasi sa pinakahuling panayam namin sa kanya when we visited the taping of TV5’s Sunday showbiz talk show na Paparazzi, sinasabi niyang matatapos lang daw siguro ang issue kung may isa sa kanilang tatlo nina Lloydie at Shaina ang aamin o magsasalita sa kung ano nga ba ang totoo. O kaya, makikitang may ibang lalaki na makikitang ka-date niya o nali-link sa kanya.

“Alangan namang I’ll just get a guy for props just for the sake of having one, ‘di ba? Parang kadirs naman!” Natawa pa ngang sabi niya sa amin.

Nagkataong magkasabay pa man din ang birthday nina John Lloyd at Ruffa. Hindi na raw niya iimbitahan si John Lloyd para iwas-gulo na lang. Nakarating din kasi kay Ruffa ang diumano’y pagwawala daw kamakailan nitong si Shaina dahil sa tsismis na may nakakita sa kanila ni John Lloyd na nagba-bike together sa The Fort na ipinagselos daw nga nang husto nito.

ADVERTISING

“Ayoko nang pag-usapan ‘yan,” reaksiyon ni Ruffa. “Problema na nila ‘yon. I have my own life na.  Ang importante, I’m blooming and happy.

“My wish for my birthday… more work, peace of mind, at sana patuloy lang lahat ang mga blessings na dumarating,” aniya. “Kasi I feel that this year is a good year for me.”

Ganyan?

NAUUGNAY NGAYON ANG pangalan ng King Of Talk na si Boy Abunda kay Aljur Abrenica at may balita ring parang kinukuha siya nitong manager or nagpapatulong sa kanya ang aktor. Kaya nang mapasyal kami sa The Buzz last Sunday, tungkol do’n ang kaagad naming naitanong sa kanya when we had a chance to talk to him sa dressing room habang hindi siya nakasalang.

“Si Aljur ay tumulong sa kampanya ni Noynoy sa Samar (hometown ni Kuya Boy), at sa kampanya rin ng aking kapatid,” aniya. “And he did one show. At ‘yong show na iyon ay hindi madaling nagawa. Because he almost was pulled out of the show dahil meron siyang taping.

“Ipinaglaban ni Aljur na… kasi sila ang nag-usap, si Jonathan (staff niya sa Backroom) at si Jim (discoverer ni Aljur). Sa madaling salita, ‘yong bata stood by his commitment to do the show.

“So… mahalaga sa amin iyon. Mahalaga sa akin na pinanindigan niya ‘yong commitment to campaign for Noy and for my sister. That started the friendship.

“And then there was a meeting I had with The Bottomline (isa pang talk show niya) staff… with everybody. Aljur was there.  Iyon lang ‘yon.”

Hindi raw totoo na nagpapatulong sa kanya si Aljur, kinukuha siyang manager, o may plano umano itong makipag-negotiate at lumipat na sa ABS-CBN. Natatawa na lang daw siya kung bakit may gano’ng intriga. Kung bakit nalalagyan ng malisya ‘yong nabuong pagkakaibigan sa kanila ng aktor.

“No. Hindi totoo. Ha-ha-ha! Huwag na nating palalakihin. Nakakahiya. I mean, he’s a good friend. Napakabuting tao no’ng bata at ng kanyang pamilya. At napakabuti ng kanyang ginawa para sa amin,” mariing nasabi pa ni Kuya Boy.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING