Ruffa Gutierrez, naghahanda na sa muling pagbubuntis?

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, naghahanda na sa muling pagbubuntis?

Ruffa-GutierrezANO NGA kaya ang bago sa Season 2 ng reality show ng Pamilya Gutierrez sa E Channel sa pagsisimula sa susunod na buwan? Dati kasi, nang mapanood namin ang isang episode, I don’t find it interesting. Parang scripted lahat compare sa mga totoong Hollywood reality show na unedited, unscripted. Mas natural.

One episode na napanood ko, I find the family stucked sa isang batik store in Malaysia, kung saan nagsukat sila ng mga outfit habang hinihintay na maayos ang sasakyan nila na nasira. Kaya naman imbis ipagpatuloy ko ang panonood, nag-change channel na ako.

But with the new season ng show ng pamilya, I find it intriguing lalo na sa teaser on Ruffa Gutierrez talking to her two daughters about having a baby. Yes, Ruffa was asking the two kids if it’s okey with them to have a new baby sibling.

Just asking, is Ruffa pregnant para maisingit ang eksenang ‘yun sa teaser ng season 2 na palabas ng pamilya nila? Kinu-kondisyon na kaya ng palabas ang isipan natin para sa revelation na ito ng loveable celebrity host?

ADVERTISING

As far as I know, abala si Ruffa sa kanyang lovelife na siyang dahilan kung bakit palagi silang nagtatalo ng kanyang ina na si Tita Anabelle Rama. Sa pagkakaalam ko, almost more than three years na ring loveless si Ruffa na kung magpa-flashback tayo, ang last relationship niya na naging iskandalo at malaking usapan sa showbiz ay ang sa kanila ni John Lloyd Cruz na nauwi naman sa magandang pakikipagkaibigan nang mag-split ang dalawa.

Basta sa first season ng show nilang pamilya, isa marahil ang masasabing revelation ay ang pag-amin ni Richard Gutierrez na may anak na siya kay Sarah Labhati kung saan ipinakita ang cute na si Zion sa palabas.

Sa 2nd season kaya, ang pag-amin naman ni Ruffa that she’s preggy o baka may pag-amin na rin sa wakas from Raymond kung sino ang kanyang “partner”?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING