Ruffa Gutierrez, nag-collapse dahil sa sobrang diyeta!

MANANATILING KAPAMILYA SI Iya Villania matapos mapabalitang lilipat na siya sa Kapuso network.
Pumirma na muli ng six-year contract si Iya sa ABS-CBN kaya matitigil na siguro ang matagal nang usap-usapan na mag-o-ober-da-bakod ang TV host.
Inamin ni Iya sa isang interview na pumasok sa isip niya ang magtrabaho sa kalabang network ng Dos. Naging open din siya sa pagsasabing naisip rin niyang  makatrabaho ang dyowang si Drew Arellano sometime in the future sa Kapuso
network.

Ngayong pumirma na si Iya ng bagong kontrata sa Dos, tuloy na uli ang mga show niya sa Kapamilya network tulad ng US Girl, MYX and ASAP XV.
AYAW NA SANANG patulan ni John Lloyd Cruz ang nabuhay na issue sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Ciara Sotto.
Ito ay may kaugnayan sa statement ni Ruffa Gutierrez na super broken-hearted ang aktor matapos na makipagkalas ni Ciara sa kanya.
“Maraming about me and Ciara before. Bukod sa ayoko nang magsalita…. Basta  maraming hindi alam ang tao,” esplika ni Lloydie sa presscon ng latest movie niya with Toni Gonzaga na My Amnesia Girl.
“Alam n’yo po, ‘pag nasa ganitong panahon ka na, you don’t wanna remember the bad memories. Ngayon parang gusto mo na lang maalala lahat ng magaganda sa mga naging relasyon mo,” dagdag pa ng dyowa ni Shaina Magdayao.

SPEAKING OF JOHN Lloyd and Shaina, wish pala ng una na matuloy ang kanilang Beijing trip this Christmas.
“Sobrang busy kasi ako. Siya rin, sobrang busy. Hindi ko po alam kung itutuloy ‘yung plano namin na mag-Beijing after Christmas and before New Year. Hindi pa kami sigurado. But traditionally kasi, sa bahay lang kami,” tsika ng aktor.
Ang maganda lang, hindi nakaapekto ang kawalan nila ng oras sa isa’t isa sa kanilang relasyon.
“Problema siya kung wala kang gagawin about it. Pero kung gagawa’t gagawa ka ng paraan, nasa inyo namang dalawa ‘yun, eh.”
Kahit na tila nasa kanya na lahat ng maaaring i-wish ng isang tao ay mga kahilingan pa rin pala si Lloydie sa kanyang career.
“Honestly, gusto ko pa ng mas tamang project para sa akin, mas magandang pagkakataon na maipakita mo ‘yung talent mo. Meaning, sana mabigyan pa ako ng  mas magagandang project.”
Looking forward si Lloydie sa isang indie film na malapit na niyang simulan.
“Merong magandang project si Erik Matti for me, Piolo (Pascual), Joel Torre. Hindi ko pa alam kung tuloy si Kuya Goma (Richard Gomez). It’s indie pero it will be marketed na in a way na parang hindi siya mukhang indie para hindi siya
intimidating. Saka international ang magpi-finance,” kuwento ng aktor.
ANG SOBRANG PAGDA-DIET at sobrang pagod pala ang dahilan ng pagko-collapse ni Ruffa Gutierrez kamakailan.
“I collapsed due to exhaustion & dieting. Doctors advise is simple: 8hrs sleep, daily vitamins, coffee only upon waking up, regular exercise.”
Iyan ang explanation ni Ruffa sa Twitter matapos na siya ay makalabas ng hospital. Nakita siyang nakahandusay sa floor ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.
Okay na si Ruffa at ready na siya to work again. Actually, nakalabas na siya ng hospital at maayos na ang kanyang kalagayan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleAktor na hiwalay sa dyowa, binabakuran ng controversial female TV personality na hiwalay sa asawa!
Next articleAga Muhlach, pinatunayang hindi siya makunat!

No posts to display