Ruffa Gutierrez, may iba pang dahilan sa pag-walk-out?!

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, may iba pang dahilan sa pag-walk-out?!Ruffa Gutierrez, may iba pang dahilan sa pag-walk-out?!OLA CHIKKA! NITONG kamakailan lamang ay dumalo ang beauty ko sa launching ng New Fragrances of the Stars nitong sina Aiko Melendez at Isko Moreno. Madrama ang tatak ng pabango, kung saan ay pinangalanan itong “Vice” for him and her. Say n’yo?!

Say ko?! May nadali lang naman akong chika na bali-balita ay inilaglag na raw ni Mike Defensor ang katambal niya na twin sister ko ring si Aiko Melendez, ngunit dahil nandoon ang beauty ko sa launching ay hindi ko pinalampas ang chika na ito at inalam ang katotohanan.

Nasagap ng beauty ko mula sa loob na walang katotohanan ang mga chika na ‘yun, dahil imposibleng ilaglag ni Mike itong si Aiko. Hindi pa nga kasi nagsisimula ang kampanya para sa mga mayor at vice-mayor. Tiyak na gawa-gawa na naman ito ng mga naninira sa kanilang pagsasanib-puwersa.

AT SPEAKING OF sanib-puwersa, wala na ngang mas iinit pa sa eksena nitong sina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez. Noong March 7 ay parang beauty queen na tumayo at lumakad itong si Ruffa, pero hindi para rumampa lang sa pageant kundi pagrampa sa pag-walk-out! Bhuket?! Eh, dahil napikon ito kay Kris, siguro talagang natatalbugan siya kaya may kaganapang ganu’n.

Maraming intriga ang naglabasan matapos ang walk-out scene ni Ruffa at kung anu-ano pang pagkukumparang pangyayari sa dalawang host. Say n’yo?

ADVERTISING

Say ko?! Eh, kasi naman itong ma-eksenang nanay ni Ruffa na si Anabelle Rama ay walang tigil sa kapakikialam sa mga anak niya na wala na sa lugar, maging pati mga lamok nga siguro na dumapo sa kanila ay walang ligtas dito sa terror mom… este, stage mom pala!

Hindi kaya chika lang ang pag-walk-out nitong si Ruffa?! I mean, may iba pang dahilan maliban sa pagkapikon niya kay Kris kaya may eksenang ganu’n?

Dahil alam kasi ng lahat kung gaano kamaldita rin itong si Ruffa. Kung ‘yung maimpluwensiya ngang foreigner, napataob ng mag-inang ito, bakit pagdating kay Kris walk-out ang drama nila?

Hmmm… may kinalaman kaya ang bago niyang talk show rito sa TV5? Naku ha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong talent manager at producer na garapalan kung manlamang sa kanyang mga alaga?!

Ayon sa aking parazzi girl, itong si talent manager daw ay grabeng mag-cut sa mga talent fee ng kanyang mga artista as in akala mo siya na ang umarte sa parteng nakuha niya. Hindi lamang ‘yan, dahil producer din siya ay ginagawa niyang service ang mga kotse ng kanyang artista, punta rito, punta roon, lalo na kung mga out of town shooting.

Naku, ‘day! Kahit sa dulo pa ‘yan ng Pilipinas o ng mundo, magkababaan na sa sasakyan ay wah pa rin sa pagbigay ng pang-gas. Basta siya, relax lang, bahala kayo. Taray, ‘di ba?! At kung hindi mo naman siya isakay o pagbigyan sa gusto niya ay simpleng-simple lang din ang mangyayari sa’yo… hindi ka rin lang naman niya pagbibigyang lumabas kahit konting-konti sa pelikulang hawak niya.

Sino itong garapal na magulang manlamang na talent manager/ producer?! Kamag-anak ba niya si Rey Valera? Eh, ‘yung first name, may kaugnayan kaya sa sa pera? Kung hindi n’yo mahulaan… bahala kayo! Ha-ha!! Joke! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING