Ruffa Gutierrez looses battle on children’s custody rights to ex-husband Yilmaz Bektas

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez looses battle on children’s custody rights to ex-husband Yilmaz Bektas

Ruffa Gutierrez looses battle on children’s custody rights to ex-husband Yilmaz BektasTOTOO NGA KAYA ang kumakalat na tsismis na umalis muna sa bansa si Albie Casiño?
May mga nabasa kaming tsismis na nagpunta muna raw sa US ang binata matapos lumabas ang mga interview ng father ni Andi Eigenmann na si Mark Gil.

ADVERTISING

Kung ang pagbabasehan kasi ang mga pinakawalang statement ni Mark, parang lumalabas na si Albie ang ama ng batang dinadala ni Andi.
Hindi kaya sobrang na-pressure ang binata kaya naman naisipan muna niyang magpunta sa US? Hot na hot pa kasi ang issue ng pagbubuntis ni Andi ngayon.
Actually, nakatikim na siguro si Albie ng pressure nang tsugihin siya sa movie na pagbibidahan sana nila nina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Dapat din ay kasama siya sa Growing Up na papalit sa Good Vibes pero tinanggal na rin siya sa cast.

Sa nangyayari ngayon sa career ni Albie, meron pa kaya siyang babalikan o tuluyan na siyang magbababu sa showbiz?
ISANG BABAENG NANGANAK ng isda ang role ni Cherry Pie  Picache sa Isda na entry sa Cinemalaya Independent Film Festival 2011.

Hango ang kuwento sa nangyari noong araw kung saan  isang  babaeng  nanganak ng dalag ang tampok sa programa ni Inday Badiday.

ADVERTISING

Esplika ni Cherry Pie, hindi issue kung ano ang isinilang ng isang babae. “’Pag may anak ka, whatever, however it turns out to be or what she is, ina ka, mahal mo ‘yung anak mo nang buong-buo.”
Bukod sa kuwento ng Isda ay naantig din ang damdaming ina ni Cherry Pie nang mabalitaan niya ang pagbubuntis ni Andi Eigenmann na anak ng best friend niyang si Jaclyn Jose.
“Siyempre naiyak ako. Nakita ko kung paano lumaki si Andi. Alam ko kung gaano kamahal ni Jane (Jaclyn) ang anak niya. Sana ‘wag na lang husgahan. Intindihin na lang. Okay lang ‘yan. Blessing ‘yan, eh,” say ni Cherry Pie.

PARANG NA-SHOCK SI Ruffa Gutierrez sa kanyang latest na nalaman na tila may kinalaman sa kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas.
“Just received a shocking phone call. The storm I was anticipating is coming, SOON. Pls pray for me as I fight the biggest battle of my life,” tweet ni Ruffa recently.
Ito kaya ang reaction ni Ruffa sa nabasa namin sa isang Twitter account (hindi kay Ruffa, ha) na sinasabing nakuha ni Yilmaz ang custody rights sa mga anak nilang sina Lorin at Venice sa ilalim ng Turkish law?

Anyway, nagpakita ng suporta ang mga followers ni Ruffa sa Twitter kaya naman nagpasalamat ang TV host-actress.
“Thank u po for your concern and all your prayers! I will be needing it. I will try my best to be quiet for the sake of my 2 girls. I will fight for them until my last breath,” tweet ni Ruffa.
Speaking of Ruffa, hindi makapaniwala ang aktres nang itsika ni Mo Twister sa Paparazzi na nahuling naghahalikan sina Mark Bautista at Solenn Heussaff sa isang event.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING