Ruffa Gutierrez, kinukulit ni Priscilla Meirelles sa blind item kay John Estrada!

Ruffa Gutierrez, kinukulit ni Priscilla Meirelles sa blind item kay John Estrada!Ruffa Gutierrez, kinukulit ni Priscilla Meirelles sa blind item kay John Estrada!Inabangan ng marami ang unang episode ng Paparazzi last Sunday, bagong showbiz talk show sa TV5 hosted by Cristy Fermin, Dolly Ann Carvajal, and Ruffa Gutierrez. Although may ilang technical problems na nangyari, understandable kasi live ang show at unang buwelo nga nito sa ere. Pero maganda ang format nito. At least medyo naiba kumpara sa iba pang existing showbiz-oriented shows.

Kapansin-pansin din ang pagiging sobrang kumportable ni Ruffa. At mukhang okey rin naman ang chemistry nila nina Dolly Ann at Tita Cristy. There’s no doubt na happy siya sa desisyong lumipat na.

“Well, here naman kasi I can speak my mind,” aniya. “Reyna ako rito sa TV5? Hindi naman. Huwag naman nating lampasan si Ms. Maricel Soriano. I respect her naman. She’s more senior than me. So sabihin na lang natin ano ako, cutie princess. Ha-ha-ha!”

Isa sa maintrigang pasabog ng Paparazzi ay ang blind item ni Tita Cristy sa diumano’y ex-wife ng isang singer na kasama raw nag-check in minsan ni John Estrada sa isang hotel. Ang clue, bigay na bigay raw, Ingles-in na lang.

Nu’ng mag-commercial break, biglang naloka si Ruffa na nag-text daw sa kanya ang current girlfriend ni John na si Prsicilla Meirelles. Nanonood pala ito at naalarma kung sino ‘yong sinasabing kasamang nag-check in sa hotel ni John at hinihingi kay Ruffa ang number ni Tita Cristy, na ayaw namang ipabigay ng huli.

Paano ngayon ‘yan? Kailangan din niyang magbigay ng mga sarili niyang pasabog na tsismis o showbiz balita. Eh, may mga friends siyang artista. Hindi kaya mangilag sa kanya ang mga ito?

“Well you know, if it’s already in the news and people know already about it, or like may malaking pasabog that Tita Cristy knows, I can give my opinion. We’re not here naman para siraan ‘yong mga kapwa ko artista. As a matter of fact, kung may balita ka about them na hindi pa alam ng tao, just like what I did on The Buzz, I would get their number. And I would get their side of the story, so it’s fair. Nandito kami para magbigay ng mga balita tungkol sa artista whether it’s good or bad. And of course we always wanna get their side.”

Si KC Concepcion ang pumalit kay Ruffa bilang co-host nina Kris Aquino at Boy Abunda sa The Buzz. May masasabi ba siya about this?

“I love KC. Whatever she decides to do, I’ll support her. I do know na siya ang bagong co-host ng The Buzz. Not necessarily kapalit ko kasi may mga segment siyang bago. Na wala siya ro’n sa mga segments na ginawa ko ro’n.

“Kapatid ko si KC. So I wish her all the best. There’s room for everyone in this industry. And everyone deserves to have a nice job. And everyone deserves to be happy. So… I wish KC all the best.”

Naloka lahat ng movie press na nando’n sa live airing ng Paparazzi nang biglang mausisa ng kanyang co-hosts si Ruffa hinggil sa dating isyung nakita sila ni John Lloyd Cruz sa Amerika papasok sa isang hotel na may bitbit pa siyang luggage, nakakaintriga ang nasabi niyang, “I ate there but I didn’t eat.” Ano ‘yon? Kumain sila pero hindi siya kumain… ng ano?

Natawa si Ruffa. “Alam mo kasi minsan, when I’m thinking in my head, pina-process pa lang ng brain ko, sinasabi ko na. And minsan ‘yong Tagalog and English, nai-stuck siya on my head. Basta kumain kami ng food. Alam mo, kayo, masyado kayong malisyoso.”

Mas tumitindi pang lalo ang pagkaka-link ngayon ni John Lloyd kay Shaina Magdayao. Pero tila deadma na talaga si Ruffa tungkol dito.

“Why would I be upset? There’s nothing to be upset about. John Lloyd and I are friends. Mas close lang kami last year. Pero we’re still close up to now. I always tell him to be happy. I respect whatever decision he makes for his life. And ako rin naman, he’ll always be happy for me.”

Seryoso na raw at nagiging possessive na si Shaina pero si John Lloyd, balitang parang nilalaro lang daw ang kung anumang ugnayan nila ng younger sister ni Vina Morales?

“Ayokong mag-comment tungkol sa kanila. It’s none of my business. Pakialam ko sa kanila. Utang na loob. Basta kami ni JL (John Lloyd), okey kami,” patapos na nasabi ni Ruffa.

Dahil hindi nga ipinabigay ni Tita Cristy kay Priscilla ang kanyang number kahit hinihingi ito ng huli kay Ruffa, lalo kayang hindi mapakali ang Brazilian model-beauty queen kung sino nga ba ‘yong sinasabing nakasama raw mag-check-in ni John sa isang hotel?

Pero kailangan pa bang pag-isipan kung sino nga ‘yong babaeng tinutukoy na asawa ng isang singer na laging late sa kanyang mga commitments? Paulit-ulit nang sinasabi ni Tita Cristy na bigay na bigay na nga raw ang clue niya at i-Ingles-in na lang.

O baka naman gets na ni Priscilla kung sino, dangan at gusto niyang itanong kay Tita Cristy ang detalye ng kuwento? Para wala nang lusot si John kung sakaling kumprontahin niya ito.

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan