Ruffa Gutierrez, kaugali ni Mo Twister?!

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, kaugali ni Mo Twister?!

Ruffa Gutierrez, kaugali ni Mo Twister?!LIKE A boy scout who is always ready, in-anticipate na ni Joey de Leon that there would be a discussion segment among his co-hosts Lolit Solis and Butch Francisco (minus Ricky Lo who was assigned at the Makati Medical Center) on Dolphy.

Bitbit ni Tito Joey ang isang brown custom-made notebook na may sticker pang “Starzan” in whose page ay nakaipit ang ilang large-size colored photos taken at his poker sessions with the Comedy King.

Intensiyon ni JDL na ipabatid sa mga tagasubaybay ng kanyang pokermate that he (Dolphy) is also human as much as he is a hardworking person, na napapagod din sa kanyang trabaho, and like anyone else, ay meron ding karapatang maglibang.

But such pictures, due to limited airtime, were never shown. Sa halip ay ipinakita ni Tito Joey ang isa sa mga pahina ng kuwadernong ‘yon, kung saan may ibinigay na drawing ng kabayo sa kanya si Tito Dolphy. This time, JDL wanted to impress upon the public that the Comedy King is also gifted with a hand that draws a piece of art that reveals a part of his personality.

ADVERTISING

“Eh, bakit kabayo? Ipinanganak ba si Mang Dolphy sa Year of the Horse? Ha! Ha! Ha!” tanong ni Lolit. Then JDL reasoned out, “’Di ba, ang kabayo, eh, sinasakyan ng mga hari? Ano ba si Dolphy, hindi ba’t Hari ng Komedya? Ito talagang si Lolit, oo, palibahasa puro kabastusan ang nasa pag-iisip.”

 

THE DAY after she threatened to leave her hosting job in Paparazzi (via Twitter), sinipot ni Ruffa Gutierrez the following night ang Miss World 2012 Philippines’ pageant night at the Tent City of the Manila Hotel nitong Linggo.

Para sa amin, Ruffa’s presence as Edu Manzano’s co-host was “contractual” in nature, as this could have been a pre-vious commitment bago pa man ang kanyang claim na nabastos o binastos siya sa Paparazzi particularly in the Bulong ng Palad segment sa kanyang birthday episode.

Pero mas malakas ang bulungan in at least two tables na inupuan namin at the hotel’s meal venue ang tila “afterthought” in Ruffa’s reaction sa insidenteng ‘yon. Nag-sink in lang ba sa psyche ni Ruffa ang umano’y pambabastos sa kanya after the show, when during the show ay nagtu-tweet na siya as if she was having fun?

Ang naturang segment ay hindi kapapanganak lang, kaya hindi na ito bago kay Ruffa who also takes part in it in the program’s previous guests. Kumbaga, let the imagination of the viewers run wild trying to figure out kung ano ang ibinubulong na tanong directed to the subject who, in turn, whispers back his or her answer.

Ayaw naming isipin na nawala man si Mo Twister sa Paparazzi, his shadow remains sa katauhan ni Ruffa. Hindi ba’t ang reklamo ng kanyang mga co-hosts kay Mo ay lisensiyado siyang mang-okray ng guest, pero wala siyang karapatang okrayin? Isn’t Ruffa’s “double standard attitude” very Mo?

Anyway, halatang malat na si Ruffa as she, along with Edu, announced the winners in the Miss World 2012 kung saan si Queenerich Rehman of Las Pinas City (Candidate #22) took home the crown and would represent the country in Mongolia. Tinanghal na First Princess si Mary Jane Ross Misa (of Parañaque City);  Vanessa Claudine Ammann (of Cebu City) bilang Second Princess; April Love Jordan (of Tondo) bilang third runner-up at Brenna Cassandra Gamboa (of Batangas) as fourth runner-up.

Ruffa Gutierrez, kaugali ni Mo Twister?!

SALAMAT SA kanyang nagtsutsung kumare, nalaman tuloy ni Rufina na pinagtataksilan siya ng kanyang kinakasamang si Marlon. Ito ang Wednesday episode ng Face To Face na pinamagatang  Misis Nagngingitngit Sa Mister, Hindi Na Makasingit Dahil Umeeksena Ang Dalawang Kabit! Susi si Adora kung bakit nabuko ni Rufina na bukod kay Analiza na nahuli niyang nakikipagyarian sa nakagaraheng taxi ni Marlon ay may dyowa pa ito, si Maricris na balak kasamahin ng pabling habambuhay.

Makisimpatya naman kay Josie na pinalayas daw ng kanyang mga anak sa episode bukas na Anak Pinalayas Ang Ina Dahil Mga Lalaki Niya’y Paiba-iba! Pero ayon kay Jerry Boy, hindi raw totoong itinaboy nilang magkakapatid ang ina, kusa raw itong nag-alsa-ba-lutan para sumama sa kanyang mga boylet na mas prayoridad daw nito kesa sa kanyang mga anak.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING