Ruffa Gutierrez, kailangan nang ipatingin sa espiritista ang ‘di maipaliwanag na sakit

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, kailangan nang ipatingin sa espiritista ang 'di maipaliwanag na sakit

Ruffa Gutierrez With Annabelle Rama
Ruffa Gutierrez With Annabelle Rama

May “spirit possession” kaya kay Ruffa Gutierrez sa naikuwento ni Tita Anabelle Rama na naganap sa kanyang unica hija ilang taon na ang nakararaan?

Seven years ago ay may kakaibang pangyayari sa celebrity host. Naganap ang mala-“spirit possession” kay Ruffa not just once or twice (na nangyayari in the middle of the night) na hindi alam ni Ruffa kung anong kababalaghan ‘yun na nawawalan siya ng malay na sa paggising niya, wala siyang naaalala.

But ‘yong nangyari kay Ruffa Gutierrez last Sunday (her fourth), may kakaibang nangyayari sa buhay ng celebrity host na hindi nila ma-explain. Nawalan na naman ng malay si Ruffa at tila nawalan rin ng buhay na almost 5 minutes ito nag-pass out.

Sa pagkakaintindi ko, ang nangyari kay Ruffa at karanasan niya na “near death experience” na after 5 minutes ay muli siya huminga at nabuhay na hindi niya ma-explain ‘yong kaganapan ay senyales lang na may spiritual problem ang celebrity host na kailangan niyang tugunan.

ADVERTISING

Kahit ipa-doktor sa mga espesyalista, walang findings ang mga ito sa nangyayari sa kanya tulad sa naganap na pagkawalang malay muli ni Ruffa nang dalhin siya sa St. Luke’s Medical Center sa BGC. Walang paliwanag. Hindi ma-explain kung ano ang findings.

Suggestion nga ng isang malapit na kaibigan ng pamilya, why not try to consult sa isang espiritista at baka may makitang explanation sa nangyayari sa celebrity host.

Weird sickness ito para kay Ruffa, Maging ang mga dalubhasang mga doctor, hindi maipaliwanag. There is something wrong spiritually kay Ruffa na dapat na ring tugunan ng Gutierrez Family.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING