Ruffa Gutierrez and John Lloyd Cruz checked in at LA hotel?

ADVERTISING

Nananakit na ang ulo ng Pinoy Parazzi. Hindi na namin alam kung ano ang paniniwalaan.

Nakatanggap nga kasi kami ng litrato galing sa isang kamag-anak ng staff ng SLS Beverly Hills Hotel sa Los Angeles, California, kung saan nakitang magkasamang nag-check-in sa nasabing hotel sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez nito lang June 22.

ADVERTISING

Ayon sa nagpadala sa amin ng litrato, nakita pa niya ang masayang pagbibiruan nina Ruffa at John Lloyd paglabas ng black limousine service nila, at ang malalagkit na tinginan ng dalawa habang papasok sa hotel.

Aba, sosyal naman talaga ang dalawang ito! Noong time din daw na ‘yon, naka-check-in din sa nasabing hotel ang music icon na si Sting at ang hardcourt idol na si Kobe Bryant.

Ganu’n kasikat ang SLS Beverly Hills Hotel (dating Meridien) na may 291 rooms and suites, na ni-redesign ng kilalang architect sa US na si Philippe Starck. Sa kabila tumataginting $400 a night na accomodation (pinakamura pa ‘yon!), dinarayo talaga ito ng bigating celebrities. Paborito nga kasi nila rito ang mga pagkaing inihahanda ng pamosong Spanish chef na si Jose Andres. Mas maganda nga raw kung ang kukuning suite ay may balcony, dahil matatanaw mo ang maingay at masayang strip malls sa La Cienega Boulevard.

ADVERTISING

Hmmm… malamang kung privacy ang hinahanap nina Ruffa at John Lloyd, hindi sila kumuha ng kuwartong may balcony. Siguro du’n sila nag-stay sa isa sa mga kuwartong may courtyard patio para mas romantic, ‘di ba?

Pero ang chika nga kasi, magkahiwalay na umalis ng ‘Pinas sina Ruffa at John Lloyd para sa Los Angeles nga i-celebrate ang kanilang birthdays, which coincindentally happened on same date June 24, na sabi pa nila, magdiriwang sila with different cirlce of friends.

Ang tanong ngayon, may blessing na ba kay Annabelle Rama ang dalawa, para ipahiram niya ang kanyang pink Chanel bag sa unica hija na si Ruffa?

Ay, naku, John Lloyd… ingat!!!

Ano kaya’ng magiging reaksiyon ni Lloydie rito?

Huhuhu! Linya ko ‘yan, eh!

At gamit pa talaga ni Rufing ang fuschia Chanel bag na mukhang iniregalo niya sa kanyang madir. Ibig sabihin ba nito na may blessing na ang dalawa from Anabelle?

[ad#ad-text-links-1]

ADVERTISING