Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao: Walang closure na bangayan

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao: Walang closure na bangayan

Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao: Walang closure na bangayanSABI NILA, ‘pag hindi ka directly involved sa isang isyu, masarap makisawsaw. Kahit hindi naman hinihingi ang opinyon mo, meron kang sariling analysis ng mga bagay-bagay.

Kaya nga tinanong kami ng aming editor kung ano ang masasabi namin sa isyung pag-aaway nina Shaina Magdayao at Ruffa Gutierrez over John Lloyd Cruz.

Hahaha! Juice ko, nai-tweet na namin ‘to, sa totoo lang. Wini-wish naming sana’y magkaayos na sila, tutal, si Vina Morales ay kaibigan ni Ruffa at kapatid naman ni Shaina, kaya I’m sure, kahit palihim, tumulong si Vina hindi man maayos ay “manahimik” ang magkabilang kampo.

Kami naman, sabi namin sa tweet namin, tigilan na nila ang bangayan over John Lloyd. Masyado lang nilang “pinalalaki” ang “nota” ng young actor (at alam nila I’m sure ang size. Chos!). Ang lakas makaguwapo ng eksena ng dalawa, huh!

ADVERTISING

Although kung kilala nga namin si John Lloyd, gusto na nitong mahinto ang bangayan. But actually, dead na nga ang isyu.  Tinabunan na ng pag-awat kay CGMA na makalipad ng Singapore para Roon magpagamot.

Lalo pa itong natabunan ng isyu ng “mahiwagang” tweet ni DJ Mo Twister na merong nagpalaglag. Pati nga ang paghihiwalay namin ni Vice Ganda bilang manager-talent ay for a while, naging isyu rin.

At ang latest nga ay ang “pagsasalsal” sa hiwalayang KC Concepcion at Piolo Pascual, kaya I’m sure, sina Shaina, Ruffa at John Lloyd ay “nakakahinga na nang maluwag.”

Although wala pang closure ito, kaya feeling namin, isang text message mula kay Ruffa na ipadadala kay Lloydie o kay Shaina or vice versa ang muling makakapagpabalik ng isyu. O, magparinigan lang ‘yan, back-to-normal na naman ito: word war na naman.

 

Kung minsan kasi, nasa mga artista na rin kung gusto na nilang mahinto ang isyu o gusto nilang magtuluy-tuloy, dahil nag-e-enjoy sila. Sila mismo ang source ng mga lumalabas na isyu sa diyaryo.

Sino ba ang ayaw ng peace of mind? Ng closure?

Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao: Walang closure na bangayan

Gusto ba ito nina John Lloyd, Shaina at Ruffa?

Puwes, pangatawanan nilang manahimik, ‘wag nang magsalita at lagi na lang nilang isiping maliit lang ang mundo.  Magkikita’t magkikita pa rin sila whether they like it or not.

Tapos, magkakabati, and then ano na? Parang walang nangyaring pagpagan ng dumi sa publiko? Showbiz na showbiz, ‘di ba?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING