Ruffa Gutierrez, itinangging siya ang dahilan kung bakit wala si John Lloyd Cruz sa Star Awards!

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, itinangging siya ang dahilan kung bakit wala si John Lloyd Cruz sa Star Awards!Ruffa Gutierrez, itinangging siya ang dahilan kung bakit wala si John Lloyd Cruz sa Star Awards!HINDI NAKARATING SA katatapos na Star awards For Movies si John Lloyd. Siya pa naman ang nanalong Movie Actor of the Year for his outstanding performance in In My Life.  Ang sabi, on the way na raw sana ang aktor nang biglang tumaas daw ang lagnat nito.

Naloloka naman si Ruffa Gutierrez kung bakit biglang may isyung siya raw kasi ang host ng naturang awards night (together with Boy Abunda and Lorna Tolentino) kaya hindi sumipot ang aktor. Nagbibiro pa naman ito sa amin nang pasyalan namin sa TV5 bago i-tape as live ang Paparazzi saying, “Mabuti na lang at hindi siya dumating kung hindi ay na-shock-shock siya sa boobey ko! Baka lalo siyang ma-inlove sa akin!” aniyang ang pinatutungkulan ay ang parang gustong lumuwang nagmumurang dibdib niya sa suot na gown that night.

ADVERTISING

“You know, mahirap naman for me to assume that,” aniya patungkol sa intrigang iniwasan nga raw siya ni John Lloyd kaya hindi um-appear sa Star Awards ang huli. “Mahirap naman for me to presume anything.

“Kasi ang sinabi ng tumanggap ng award for him eh, may sakit siya. I don’t think there’s an issue naman, eh. I was there because I was doing my job.”

Kaya kasi marami ang naiintriga, just a couple of hours before the said awards night, nag-text pa raw sa production staff nito ang handler ni John Lloyd ng mga what time kailangang dumating ang aktor. Tapos kalagitnaan na ng Star Awards, nag-text na naman ito na may sakit daw nga ang binata.

ADVERTISING

Do’n nag-ugat ang sapantahang baka binawalan ng rumored girlfriend ngayon ng aktor na si Shaina Magdayao. Nagiging possessive na raw kasi ang young actress kay Lloydie.

“For me, I think that question should be asked to him. Kasi I can’t assume naman anything na wala naman akong alam.  Ang importante, I had fun hosting the show with Tito Boy na ang tagal ko nang hindi nakausap. And of course Tita Lorna na ang saya-saya namin backstage.

Sinasabi ni Ruffa na wala silang problema ni Shaina. Pero may isyu ring hindi umano sila nagpansinan nito sa birthday ng anak ni Vina Morales.

“Hindi talaga kami nagkita do’n. And… ewan ko nga ba kung bakit hindi kami nagkita?”

Sa backstage no’ng gabi ng Star Awards, marami rin ang nakapansin na tila napatalon siya nang tawagin ang pangalan ni John Lloyd as the winner. Na parang uma-acting na raw siyang pupunta sa stage daw at kunin ang trophy in behalf of Lloydie?

“We were just joking-joking naman backstage. Inaaliw lang namin ang sarili namin kasi naghahanap kami ng kape, walang kape! Ha-ha-ha! Siguro that’s ano… nakakahiya namang ako ang tatanggap. Eiwwww!” Pagbibiro pa ni Ruffa.

Tungkol sa halos lumuwa nang boobs niya sa suot na gown no’ng gabi ng Star Awards, marami rin ang nagtatanong kung ipina-enhance ba raw niya iyon.

“Hindi nga, eh. Alam mo ang sikip ng damit ko. I really have to push it up talaga kasi ayaw niyang mag-close. If you can see sa back, medyo may konting bukas. Kapag isinikip pa ‘yon eh, talagang maghi-hello na ‘yong boobs ko.

“These things happen especially kapag hindi ako nakapag-fit. And they really have to sew the dress on me do’n mismo sa dressing room na. Maraming salamat pala kay Francis Libiran. He sent his 6 staff para itahi ‘yong dress.

“Walang enhancement talaga. Hello! Eversince naman, I’m always been busty. Gusto ko pa nga sanang magpabawas para mukha akong payat if ever, ‘no?”

Si Priscilla Meirelles, nagri-react kung bakit daw kailangan pang ipagsabi ni Ruffa na tinext siya nito asking the number of Cristy Fermin dahil nga sa blind item ng huli about John na diumano’y nakitang nag-check in sa isang hotel kasama ang ex-wife ng isang singer. ‘Yong pagti-text should be between sa nag-text lang at sa tinext daw sana.

“Alam mo, if she had an issue with me, then she would not accept my invitation to go to the premiere night of Working Girls 2010. So… she was there. And we even had a late dinner at the Peninsula. And wala namang issue.”

May lumabas kasing pahayag ni Priscilla recently na feeling niya ay ginamit lang daw siya and even her para maging kontrobersiyal ang show nina Ruffa, Cristy, at Dolly.

“Well I don’t think it’s me necessarily. I don’t have any issue at all. Wala akong alam. Na-shocked na nga lang ako do’n sa blind item na ‘yon.”

May isa pang isyu na isiningit din naming maitanong kay Ruffa. ‘Yong tungkol kay Georgina Wilsom na itinatanggi raw ang balitang ka-on na nito ngayon si Borgy Mantoc?

“Hindi ko pa siya nakakausap. I’m always busy kasi and siya rin, she’s always been in and out of the country.

“Pero nakausap ko si Chard (his brother Richard Gutierrez na ex-biyfriend ni Georgina) and isang line lang sinabi niya sa akin: ‘O, ate… last week ko pang alam ‘yan!’  Sabi ko naman: ‘Ayyy, gano’n?’”

So totoong sina Georgina at Borgy na?

“Hindi ko alam kung totoo. You should ask Georg abou it,” panghuling nasabi ni Ruffa.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING