Ruffa Gutierrez is silent on her rumored Brazilian model

ADVERTISING

 

Ruffa Gutierrez is silent on her rumored Brazilian model

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez is silent on her rumored Brazilian modelARE THEY AN item or not? Gaano katotoo ang balita na may relasyon na sina Ruffa Gutierrez at kanyang avid Brazilian suitor na si Eduardo Puertas? Last month kasi ay lumutang ang balita na mu-ling nagkaroon ng kulay ang buhay pag-ibig ni Ruffa sa katauhan ni Eduardo na isang Brazilian businessman.

Anu-ano nga ba ang mga matitibay na ebidensiya na nagpapatunay tungkol dito? Una, sa silver wedding anniversary nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado ay kasama ni Ruffa na dumalo ang diumano’y manliligaw niya. Pangalawa, sa concert ni Miley Cyrus ay muli raw silang nakitang magkasama.

On the blogsite of her good friend Rajo Laurel, the designer posted a photo taken during Ruffa’s birthday party in Singapore last June 24. Makikita sa larawan ang tila sweet na paghawak ni Eduardo malapit sa kamay ni Ruffa. The caption says, “Ruffa’s main squeeze – Eduardo!”

ADVERTISING

It seems Eduardo is everywhere. Kung nasaan si Ruffa ay tiyak na naroon din siya gaya na lamang nang magkaroon ng 80’s prom themed birthday party si Ruffa na dinaluhan ng kanyang mga kapamilya at close friends in showbiz.

But Ruffa vehemently denied the rumor that she already has a boyfriend. “Sa pagiging single ko siguro binubuhos ko ang lahat sa trabaho. I try to do things na makakabuti para sa akin [like] spend time with my kids and friends, I surround myself with good people. Once that I am legally single tsaka na siguro ako makakapag-isip for my future.”

Hindi siyempre pinalagpas ng The Buzz ang pagkakataon na hingan ng komento si Tita Annabelle tungkol sa rumored romance nina Ruffa at Eduardo. Inamin niyang boto raw siya kay Eduardo para sa kanyang anak. “Mabait naman iyon. Okay lang. Mabait siya.”

Sagot naman ni Ruffa, “Ay ganu’n, boto siya. Siguro kasi iyong pinapakilala ko kay mommy mababait naman talaga. As of now, I just really want to take baby steps. Ayokong magmadali.”

Abangan na lang nating lahat kung saan hahantong ang magandang samahan nina Ruffa at Eduardo.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING