Ruffa Gutierrez, iniiwasan na ni Mr. Fu!

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, iniiwasan na ni Mr. Fu!

Ruffa Gutierrez, iniiwasan na ni Mr. Fu!

BELIEVE IT or not, mas gusto ni Mr. Fu na mas dumistansya na lang kay Ruffa Gutierrez. Nu’ng amin siyang makausap, niliwanag niyang wala siyang bitterness sa katawan niya as regards that infamous “bulong” incident months back with the actress.

“Diyos ko, naka-move on na ako. ‘Yun nga lang, ‘yung mga ganu’ng insidente, eh, ‘di rin naman napakaordinaryo,” sey ng segment host ng natigbak na talkshow na Paparazzi Showbiz Exposed sa TV5.

Past is past na raw sa kanya. But that doesn’t mean na wala siyang natutununang lesson from that. Kaya nga sabi ng karinyosong host, “better na raw ‘yung ganitong ‘di muna nagkukrus ang mga landas nila.”

ADVERTISING

Part of healing… o part of permanently sealing a friendship?

 

KUNG OUT si Kris Aquino sa Metro Manila Filmfest this year, in naman ang Kyusi Mayor na si Bistek Bautista. Today ay nag-report ang punong lunsod sa San Juan para sa isa sa mga trilogy ng Shake, Rattle & Roll 14.

Asawa niya sa Janice de Belen rito. The other stars are: “Lost Command” – Dennis Trillo, Paulo Avelino, Martin del Rosario, Ella Cruz, Alex Castro and John Regala; “Unwanted” – Vhong Navarro and Lovi Poe; “Pamana” – Janice de Belen, Herbert Bautista and Arlene Muhlach.

Tanong ng isang friend, “So puwede na palang lumabas sa movies ang mga public officials?”

Duh! I dunno noh! Eh nagsusyut siya, ‘di puwede!

Speaking of Herbert, mukhang nakahinga nang maluwag ang karamihan ng kanyang supporters nu’ng kumalat na hindi na muna tatakbo next elections for mayor ang kanyang bise na si Joy Belmonte. May nakapagsabing nag-pull out ang binibini dahil mas pinili nitong mag-specialize study sa public administration.

So tiyak, tatapusin ni Bistek ang full term ng kanyang office. Wala nang matinding kalaban?!

 

NAKAUSAP NAMIN si Jay Manalo sa lobby ng isang suite sa gateway habang hindi pa nagsisimula ang story conference ng Kidlat, ang pang-primetime na handog ng TV5 this November.

With the known generosity sa talent fees ng naturang istasyon sa pagkuha ng mga artista mula sa kabilang mga channel, nakakatihan naming tanungin ang matagal na naming friend kung very happy siya sa kanyang estado ngayon.

Napangiti ang guwapong actor, sabay shake ng kanyang head!

We were shocked siyempre kasi while most will definitely say yes, with matching clapping of hands and thumping of feet, buntong-hininga ang kasunod na ibinigay sa amin ng character actor.

“’Di naman lahat pera, eh,” dugtong ni Jay. “Pera… contract… papel lang lahat ‘yan, eh. Ang mahalaga, eh, ‘yung craft mo. Nabibigyan ka nang katumbas ding roles na mailalabas mo galing mo.”

Matalinhagang sagot. ‘Di siya happy, kung gano’n…

 

Titipa-Tipa
By Montirasol Moran

ADVERTISING