Ruffa Gutierrez, hindi priority ang relasyon sa dyowang foreigner

Ruffa-GutierrezDIRETSANG NASASABI ni Ruffa Gutierrez, hindi raw niya priority ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Jordan Mouyal. At alam din daw naman niyang hindi rin siya ang priority nito.

“I think our priority now is our careers and work,” sabi ni Ruffa. “So, wala namang problema when it comes to that, kasi wala naman sa isip pa namin ang magpakasal o mag-asawa. Or… you know, magkaanak ako or something weird na gano’n. Okey lang naman sa amin,” na hindi nila priority ang isa’t isa sa ngayon ang ibig niyang sabihin.

One year na ang kanilang realsyon ni Jordan. Nakikita ba niya na husband material ito?

“Ay, hindi ko pa iniisip ‘yon! Like I said… I’m so focused with my work right now. I have no plans of getting married in the near future.”

Kumusta ang relasyon ni Jordan sa mga anak niyang sina Lorin at Venice?

“Very ano… relaxed. For me ano, ayaw nga niyang maging part of the show kaya it’s better na huwag na lang siyang masyadong pag-usapan.”

Recently, lumalabas siya sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP. May pinag-uusapan ba kaugnay ng posibleng pagbabalik-Kapamilya niya?

“Wala naman akong lilipatan. Kasi as of now, I’m a freelance. I can work wherever, ‘di ba? So, wala namag problema ro’n. Para sa akin… I am loyal to my work more than a station, you know. Kasi I have kids to feed and to take care of. And I’m a single working mom. So, that’s what’s most important. I’m very happy na maganda ang relationship ko with ABS-CBN. As a matter of fact, binila ng kanilang TFC (The Filipino Channel) ‘yong first three season of It takes Gutz To Be A Gutierrez. So, happy ako na napanonood na kami all over the world. ‘Yong first at second season, napapanood ngayon sa TFC. And… sa E Channel at sa buong Asia. More than 20 countries across Southeast Asia naipalalabas ‘yong It takes Gutz To Be A Gutierrez. Napanonood din ito sa Channel 57 sa Sky Cable, Channel 25 sa Cignal, and Channel 33 sa Cable Link. It’s every Monday, 9 pm.”

Ano pa ang ibang aabangan sa kanya?

“Meron akong book na inihahanda. And I just renewed my Cosmo Skin endorsement. And I’m with Avon fashion and accessories. And I’m now prioritizing my book na lalabas before Christmas. Hindi pa puwedeng sabihin ‘yong title ng book ko. But it’s under ABS-CBN publishing.”

Tungkol saan ang nasabing libro niya?

“Secret! But I’m sure a lot of people will learn from my book,” nangiting huling nasabi na lang ni Ruffa.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleMark Herras, basted kay Wynwin Marquez?
Next articleRichard Gutierrez, walang balak pakasalan si Sarah Lahbati?

No posts to display