Ruffa Gutierrez, hindi pa rin binabati ni Kris Aquino?!

PARATING NA SA bansa ang ex-husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas. Kung ang actress-TV host ang tatanungin, maganda rin daw na magkaharap sila nang personal. Mas okey raw kung magiging maganda ang samahan nila kahit bilang magkaibigan man lang if only for the sake of their two kids na sina Lorin at Venice.

“He is supposed to come next week,” ani Ruffa. “Nagkausap kami sa phone. Hiningi na nga niya ang size ng mga bata. Kung ano ang size ng shoes, ng clothes… so hopefully matutuloy na siya next week.

“Importante talaga na magkaroon kami ng magandang relationship ni Yilmaz and the kids. Also, pagkakataon na namin ito para makapag-usap kami nang masinsinan dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita at nag-uusap.”

Pinag-uusapan na rin daw nila ang tungkol sa annulment ng kanilang kasal. Senyales na kaya ito ng paghahanda ni Ruffa sa muli niyang pag-aasawa?

“Hindi pa siguro ako ready na ma-inlove. Wala naman sigurong masama kung may mga ka-text ako. Na may mga ka-dinner ako. Pero hanggang do’n lang. I’m still not ready for a relationship right now.”

It seems happy naman si Ruffa sa paglipat niya sa TV 5. Kahit pa nagkaroon ng isyu sa pagitan nila ni Kris Aquino sa huling episode niya sa The Buzz bago pa ang kanyang tuluyang paglisan sa bakuran ng ABS-CBN.

“Para sa akin, tapos na ‘yon. I’m already looking forward.”

Kumusta nga pala sila ni Kris matapos mag-public apology ang huli na tinanggap naman niya?

“Hindi pa rin siya nagri-reach out sa akin. Pero baka sakaling sira ang phone niya, bigyan ko na lang siya ng Nokia,” pabirong sabi ni Ruffa na ngayo’y siyang bagong endorser na ng Nokia.

Bongga!

VERY POSITIVE SI Ogie Alcasid sa launching ng Party Pilipinas this Sunday, March 28. Ito ang magiging kapalit ng SOP na tumagal din ng 13 years sa ere bago tuluyang sumuko sa katapat na ASAP dahil hindi sa hindi na nito maisalbang ratings.

“SOP is finished as far as I’m concerned,” aniya. “I think I would like to move on. It was a wonderful experience being with those people (na nakasama niya sa SOP). I’d like to look at it as a wonderful memory and not something that was tragic.

“I’m really positive for this new show. What went wrong (sa SOP) is not important anymore. What’s important are the things that we gained from the experience.

“What I gained is a new set of friends. A whole of experience as far as performing on television is concerned. I learned that GMA-7 is all out in supporting its artists. I learned that there are supporters who are there when you are up and when you’re down,” karagdagang pahayag pa ni Ogie.

REGAL BABY NA rin pala si Pokwang, dahil isang two-year contract ang pinirmahan niya sa movie outfit owned by Mother Lily Monteverde. At may pelikula na kaagad siyang nakatakdang umpisahan, huh! Ito ay ang remake ng Temptation Island na idinirihe ng yumaong si Joey Gosiengfiao noong 1981.

Hindi pa alam ni Pokwang kung sinu-sino ang makakasama niya. Pero siya raw ang gaganap sa character na ipinortray noon ni Deborah Sun na isang maid na kasama ng mga beauty queens na na-stranded sa isang island.

Okey lang daw kay Pokwang kahit anong tema ng pelikula ang ipagawa sa kanya ng Regal. Pero may pinapangarap siyang maging leading man – sina Piolo Pascual at Derek Ramsay.

Ang taray!

Ayaw talaga niyang patalbog kay Eugene Domingo na naging leading man at naka-kissing scene pa si Dingdong Dantes, huh!

Pangarapin din kaya ni Pokwang na magkaroon siya ng hindi lang basta kissing scene kundi torrid kissing scenes na with Piolo and Derek?

Why not? Ito ay kung papayag ang dalawang nabanggit na guwapong aktor, ‘di ba?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleClickadora: Toma to the Max!
Next articleSipat-eklat: Anne Curtis, natanggalan ng bra sa ASAP sa Boracay!

No posts to display