Ruffa Gutierrez, hinahabol pa rin ng ex-husband

FEELING NI RUFFA Gutierrez, mahal pa rin siya ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas. Recently nga raw ay nag-text ito sa kanya at ang message: “I’ll get you back Mrs Bektas. I am not going to let you go. I started a life with you, will finish it with you. You are my soulmate.”

Tinanong din daw siya ni Yilmaz if she wants another baby, o ‘di kaya ay gusto niyang manirahan sa Spain, or a lovely house with peace, happiness, and real family. Sa pinakahuli nga raw, marami silang pinag-usapan. But she wants to keep it private na lang daw muna. Basta they talked about a lot of personal things daw na ayaw muna raw nilang i-share sa public.

Nagpaparamdam nga kaya si Yilmaz na gusto nitong makipagbalikan sa kanya?

“Kung na-realize niya to work things out because of our kids (Lorin and Venice)… because of the family, I think only time will tell,” ana’ng isa sa hosts ng bagong showbiz talk show na Paparazzi na mapapanood na rin for 6 weeks sa 5-Star Drama Special matapos unang maitampok dito si Maricel Soriano. “Kasi… we have two kids. And I haven’t seen him.  Malay mo kung hindi ko na siya type kapag nakita ko ulit siya.

“Kasi ang tagal na. I’ll just cross the bridge when I get there. Can I see him first?” Natawang sabi pa ni Ruffa.

Nakatakdang pumunta sa Pilipinas si Yilmaz para dalawin ang mga anak nila ni Ruffa. Wala pa nga lang definite date kung kailan talaga.

“Basta sabi niya, pupunta siya rito. Binibiro ko nga, what month and what year.”

Aware si Ruffa sa balita tungkol sa diumano’y planong pagpapakasal diumano ni Yilmaz sa Puerto Rican na nanalong Miss Universe noong 2006 na si Zuleyka Rivera Mendoza. Natanong na raw niya tungkol dito ang dating asawa.

“He refused to answer. Ayaw niya talaga akong sagutin. Everytime I tease him, hindi naman niya ako sinasagot. So just let him be. Wala pang confirmation. Pero according to news, July raw yata ang kasal.”

Paano nga pala kung kumpirmahin ni Yilmaz sa kanya ang sinasabing pagpapakasal nga raw nito kay Zuleyka?

“You know, Yilmaz and I, we’ve moved on three years ago. And we’ve already filed the annulment so… obviously we’ve moved on.

“When I first heard about the news, I was waiting for some strange pain to hit me. Kung iiyak ba ako at maglulupasay or magagalit ako. Pero hindi naman nangyari. I was fine.

“He wished me well in my life, which he never thought that he would be able to do. I wish him well also. Kung saan siya masaya, I’ll be happy for him also.”

Kung sa mga manliligaw raw, marami umanong nagpaparamdam at nagpapalipad-hangin kay Ruffa. Pero ayaw muna raw niyang makipagrelasyon sa ngayon.

“Gusto ko munang mag-focus sa trabaho ko. Right now I’m so busy with my work. Masaya ako na maganda ang takbo ng career ko. So gusto kong ganito na lang muna. Until time comes na maramdaman kong puwede na naman akong magmahal ulit. Siguro when time comes na ma-meet ko na ‘yong bagong magpapatibok ng puso ko. Tingnan na lang natin,” ending na nasabi ni Ruffa.

TULUY-TULOY NA talaga ang pag-aartista ng Brazilian model na si Fabio Ide. Malapit nang ipalabas ang pelikulang D’ Survivors kung saan introducing siya kasama ang dalawa pang Brazilian model-turned-actor ding sina Akihiro Sato at Daniel Matsunaga.

Bukod dito, kasama rin siya sa cast ng You To Me Are Everything na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Nag-taping na rin siya para sa bagong show ng GMA-7 na Comedy Bar kung saan sina Eugene Domingo naman at Allan K ang kanyang kasama.

May tsismis ngang pinanggigigilan umano nitong si Eugene ang kaguwapuhan nitong si Fabio. Madalas daw siyang halik-halikan nito kapag hindi na napipigil ng komedyante ang sarili?

“Yes it’s true.  But it’s part of our show.  We’re doing Comedy Bar. So people would like to see us doing fun. I’m super excited about this show.”

May mga nagbibirong magtanong kay Fabio, possible bang magkagusto o pumatol siya sa isang gaya ni Eugene?

“Yes and no,” natawa niyang sagot. “Yes because she is also adorable, so mabait, and smart. But the thing is, the difference of age. That’s the only thing. Honestly, I never had a girlfriend na malaki ang age gap namin.”

‘Yon na! Kung sabagay, parang nanay na lang niya si Eugene, huh!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleSipat-eklat: Mayor, nadismaya sa grabeng pagmumura ng magandang female star!
Next articleBb. Pilipinas organizer, palpak!

No posts to display