Ruffa Gutierrez, gustong maging busy ang showbiz career ngayong 2017 matapos malagpasan ang misteryosong sakit

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, gustong maging busy ang showbiz career ngayong 2017 matapos malagpasan ang misteryosong sakit

Gusto ni Ruffa Guttierez na maging mas busy ngayong 2017. Bukod kasi sa kanyang reality show na “It Takes Gutz to be a Gutierrez”, gusto niya na ring magbalik-teleserye, ganun din ang makagawa ng pelikula. Ito ay matapos na hindi maging magandang takbo ng kanyang showbiz career last year, bunsod na rin ng naranasang misteryosong sakit.

Ruffa Gutierrez, gustong maging busy ang showbiz career ngayong 2017 matapos malagpasan ang misteryosong sakit
Ruffa Gutierrez

Aniya, “Hindi na talaga puwede ngayong isa-isa lang, kailangang marami kang ginagawa, right?

“So I’m very happy na tapos na ‘yung 2016, because I also had health problems last year. So, hopefully, 2017 will be much, much better,” 

Kumusta na ba ang hindi maipaliwanag na sakit niya at kailan ba ito nagsimula? 

ADVERTISING

“It can be recalled that in July… I was doing things that I didn’t know. Parang I was acting in a strange way,” ani Ruffa.

Dahil sa sunud-sunod na pagsumpong ng kanyang misteryosong sakit, muntik na siyang bawian ng buhay, na tila nategi siya for about 5 minutes ayon sa kanyang inang si Annablle Rama.

“’Yah, sabi nga ni mama, at agad nga raw akong isinugod sa St. Luke’s (Medical Center) and they find out nga, wala silang makuhang sagot kung ano talaga ang naging sakit ko. Maraming doctors ang kinonsulta namin para sa sakit ko, still wala silang nakuhang findings.

“Weird ‘di ba ng sakit ko? Pero ang last naging option namin ay kumonsulta sa isang espiritista. Then ang naging diagnosis ng isang espiristista, tatlong spirit ang palaging sumusunod sa akin. True pala ‘yun. meron palang ganu’n,” sey pa niya. 

Kumusta naman siya ngayon after ng pagpapagamot niya sa isang espiritista?

“I’m okay now! Wala nang sumusunod na espiritu sa akin, finally… I’m just really happy na nawala na ‘yon. Kaya now, I’m super fine, healthy… Kaya thankful naman ako sa pamilya ko and friends ko, kasi hindi nila ako pinabayaan,” pagtatapos ni Ruffa.

Sa True Lang
by Throy Catan

ADVERTISING