Ruffa Gutierrez, ‘di pinansin ng Dos ang ginawang pag-iingay!

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, ‘di pinansin ng Dos ang ginawang pag-iingay!

Ruffa Gutierrez, ‘di pinansin ng Dos ang ginawang pag-iingay!DEADMA SA mga taga-channel 2 ang ginawang pag-iingay ni Ruffa Gutierrez matapos na ito ay magbigay-komento sa pag-alis niya sa programang Paparaazi ng TV5. Sabi ng ilang SP na aming nakausap, sinadyang huwag bigyang-pansin ang intriga ng dating Second Princess ng Miss World. Nag-iingay lang daw ito dahil nagpapansin.

“Kahit pinuri-puri niya ang The Buzz, still hindi na uli siya makababalik du’n,” sabi sa amin ng isang ABS-CBN reporter at ang dahilan ay hindi rin daw nagustuhan ng nasabing station ang ginawang pagtalikod ng aktres noon, kung saan ay bigla na lang itong lumipat sa Ka-patid station.

Sa kabilang banda, deadma rin ang Paparazzi sa mga negatibong pahayag na i-pinukol ni Ruffa laban sa staff ng nasabing talk show, at sa halip ay nagtengang kawali ang mga ito at hindi nila pinatulan kung ano man ang mga itinu-tweet ng aktres sa kanyang Twitter account.

“Huwag na, hayaan na lang natin siya. Kung du’n siya masaya eh, ‘di du’n siya.”

ADVERTISING

Wala raw maririnig na balik na masasamang salita ang nasabing programa dahil ang programang Paparazzi ay programang may puso at marunong umunawa.

Samantala, ayon kay Ruffa, hindi niya isinasara ang kanyang pintuan sa mga talk show dahil nasanay na siya sa mga kuwentong buhay-artista. Pero sa ngayon, mas bibigyan daw niya ng priority ang kanyang bagong soap opera sa TV5, kung saan ay makakasama niya ang bestfriend na si BB Gandanghari para sa Enchanted Garden na pagbibidahan naman nina Alex Gonzaga, Martin Escudero at Daniel Matsunaga.

 

NAKAKALOKA NAMAN ang pangarap ng mag-live-in na sina Victor Basa at Divine Lee.

“Marami akong friends na gays at gusto kong pagbigyan ang wish nila na mag-wedding gown sa araw ng aking kasal,” pahayag ni Devine na nagsabing mas magiging masaya siya kung makakasama niya sa araw ng kanilang kasal ni Victor ang kaibigang gays.

“Bago pa ako pumasok sa showbiz, kahit noong nag-aaral pa lang ako, ang dami-dami ko nang kaibigang bading at madalas ngang napagkakamalan akong bading at hindi naman ako nagagalit, dahil magaganda at talented ang gays,” sabi pa uli ng aming kausap na nagsabing excited na sa nalalapit na kasal nila ni Victor.

Samantala, walang nakikitang masama si Divine sa pag-amin nilang nagli-live-in sila ni Victor.

“Bakit naman po kami maglilihim eh, hindi na naman kami bata para magpa-cute pa. Oo, nagli-live-in kami at masaya kami sa aming relasyon,” sabi pa uli ng aming kausap.

 

KUMPIRMADONG MALDITO at mayabang na nga ngayon si Xian Lim. Dahil noong nakaraang event sa Greenbelt, isa kami sa mga reporter na nagpaalam sa kanya na pagtapos niyang mag-show, kung maaari ay makausap namin siya. Pumayag naman ang aktor. Pero para pala kaming nakipag-usap lang sa hangin dahil after the show, agad niyang tinawag ang kanyang road manager.

Hindi man namin dinig ang ibi-nulong niya sa kanyang road ma-nager, dama naming pinapipigilan niyang makausap namin siya. Siya mismo ang tumutol na ewan kung bakit ginawa niya iyon, gayong dapat noong nagpaalam pa lang kami sa kanya ay madali naman niyang sinabi na hindi niya kami mapagbibigyan. Hindi ‘yung pinag-antay niya kami sa wala na ang feeling namin ay lumulusot pa ang hitad na ito para malinis ang kanyang pangalan.

Noong una ay hindi kami naniniwala sa balitang lumaki na ang ulo ng binata mula nang magkapangalan na. Kung hindi pa kay Kim Chiu, hindi siya pag-uusapan.

“Naku, iba na ngayon ‘yan. Sakit na ‘yan ng ulo ng direktor. Sa ta-ping, hindi basta lumalabas iyan ‘pag tinatawag ni Direk, marami pa siyang pagpapa-star na gagawin bago sumunod,” sabi ng aming source.

Hindi kami galit sa ginawa sa amin ni Xian Lim, kundi naawa kami sa kanya, dahil sa tagal namin sa showbiz, walang tulad niya ang nagtagal sa industriya. Galit ang fans sa mga artistang mahilig magpaasa at nagpi-feeling sikat. Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING