Ruffa Gutierrez, ‘di pa siguradong mananatili sa TV5!

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, ‘di pa siguradong mananatili sa TV5!Ruffa Gutierrez, ‘di pa siguradong mananatili sa TV5!NAMATAAN NAMIN sa isang event si Ruffa Gutierrez kasama ang mga magulang’ kaya tinanong namin siya kung ano ba ang mga dapat abangan sa kanya.

Aniya, “Sa lahat, talkshow, teleserye, sa mga pelikula. I’m reading a script right now and hopefully matuloy, napakaganda ng script, so a lot of exciting things that’s gonna happen in 2013.”

ADVERTISING

Walang regular show si Ruffa ngayon sa TV5. Ang huling serye nito ay nagtapos na last January, ang Enchanted Garden, kaya may mga lumulutang ngayon na balitang magba-balik ABS-CBN daw si Ruffa pagkatapos ng kontrata nito sa Kapatid Network ngayong Marso?

Pero ayon pa sa kanya, patuloy pa rin ang negosasyon nila ng TV5 management tungkol sa kanyang kontrata. Saad niya, “Siyempre ‘yung mga tao iba-iba’ yung speculations dahil right now everything is still too early to talk about. You will know in a couple of weeks what’s gonna happen.”

Dagdag pa nito, “Like I said, mahirap magsalita ngayon kasi the next two weeks we’re really just negotiating.”

ADVERTISING

 

MALAYU-LAYO NA talaga ang nararating nitong si Daniel Padilla. Imagine at a tender age of 17, nakabili na ito ng sariling sasakyan worth 3 million pesos.

Ito raw ay regalo niya sa kanyang sarili dahil maglalabing-walong taon na siya sa darating na April 26.

Sosyal itong bagets na ito na ang biniling sports utility vehicle (SUV) ay isang itim na Dodge Challenger.

Ayon sa ulat ng Bandila last Wednesday, sinabi ni Daniel na masaya siyang may nabili na siya mula sa kanyang pinagpaguran.

Masayang lahad ng binata, “Masarap ‘yung feeling… siyempre na pinagpaguran mo, pinagpuyatan mo, pinagpawisan mo, naospital ako dahil dito, alam mo ‘yun? Parang gift ko naman sa sarili ko, sa hardwork ko na pagtatrabaho.”

Isa ring magandang balita para sa mga tagahanga ni Daniel ay ang nalalapit niyang post-birthday concert sa darating na April 30 na gaganapin sa Smart-Araneta Colisuem.

Kahit man daw kinakabahan, ipinangako naman ni Daniel na gagawin niya ang lahat para mapasaya ang mga fans sa naturang big event sa buhay niya.

Aniya, “Kinakabahan, kasi, hindi naman talaga ako singer, eh. Tapos magko-concert pa. Hindi, pero ano, uhm… gagawin ko lahat para maging successful ‘tong show… ‘tong concert na ‘to.”

‘Old School Rock’ daw ang napiling tema ng binata sa kanyang nalalapit na konsyerto kung saan imbitado ang kanyang mga kaibigan at co-stars sa Princess and I na sina Khalil Ramos at Enrique Gil.

Gusto rin daw nito na may special participation ang ka-MU (mutual understanding) nitong si Kathryn Bernardo. Pero nakumbinsi daw niya si Kathryn na mag-guest na lang.

Kinikilig pang pahayag ni Daniel, “Gusto niya sanang maging guest lang , gusto niya kasi ma-feel ‘yung alam mo ‘yung nanonood lang, pero siyempre sabi ko ‘Ikaw si Kathryn eh, kailangan mo akong parating kasama.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING