Ruffa Gutierrez, boyfriend na ang French-Arab businessman

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, boyfriend na ang French-Arab businessman

Ruffa-Gutierrez-Jordan-MouyalNAPANOOD KO sa E Channel last Sunday ‘yong episode kung bakit nag-walk-out si Ruffa Gutierrez sa birthday dinner party ng ina niya na si Anabelle Rama na naglikha ng sagutan nilang mag-ina sa Twitter.

Bilang miron, ako man, magagalit kay Tita Anabelle sa pamamahiya niya sa anak. Sa edad ni Ruffa at ngayon nga ay may dalawang anak na, off na off at kabastusan ang ginawa ng ina na ilagay sa kahihiyan si Ruffa sa pagtitipon na ang daming mga bisita. Napahiya si Ruffa.

Maging ang mga kapatid niya na sina Richard at Raymond felt sorry sa ginawa ng ina nila sa kanilang ate na hindi man hayagan sinasabing “kabastusan”, hindi sila sangayon sa ginawang pamamahiya ng ina.

By the way, it’s confirmed na boyfriend na ni Ruffa ang French-Arab businessman na si Jordan Mouyal. Si Ruffa mismo ang nagbalita at nagkumpirma. May magagawa pa kay si Tita Anabelle sa usaping ito?

ADVERTISING

 

ILANG TULOG na lang ay Pasko na talaga. Kaya nga timing ang pagsisimula ng bagong serye na Give Love on Christmas (GLOC) na produced ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network na magsisimula na sa darating na Monday, December 1.

Mayroong three different episodes ang GLOC, kung saan ang bida sa The Giver episode ay si Mr. Eddie Garcia together with Aiko Melendez, Carlo Aquino and Dimples Romana.

Ang magkarelasyon na sina Gerald Anderson at Maja Salvador (first time na magtatambal sa telebisyon) ay may sarili ring episode na The Gift of Life, at ang rumored na magkarelasyon na sina KC Concepcion at Paulo Avelino with their Exchange Gift episode.

Hindi ko lang alam kung how long ang duration ng bawat episode na sa pagkakaalam ko ay first in Philippine TV ang ganitong formula ng teleserye na almost two weeks lang yata ang itatagal sa ere ng bawat episodes.

Based the trailer ng The Giver episode, si Mr. Eddie plays a father sa kanyang mga anak na mula nang mamatay ang asawa niya played by Alicia Alonzo, nagkawatak-watak sila. In short nagkaroon ng lamat ang relasyon nilang mag-anak.

Dahil matanda na, may generation gap na ang ama sa mga anak na hindi na niya nakakasama sa buhay.

Sabi nga ni Aiko who plays daughter of Mang Eddie, nagpapasalamat siya na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay niya at pamilya, intact pa rin ang relasyon nilang pamilya.

Sila ni Jomari Yllana, ang dating mister at ama ng binatilyo nila, nagkahiwalay man sila, mukhang naging the best of friends sila. Kasi naman noong nagpakasal sila, ang babata pa at now lang nila na-realize na ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na kapag napaso ay iuluwa na lang basta-basta.

Nice thing about Jom and Aiko, chummy silang dalawa. Close sila as ex-husband and wife but the best of friends na ngayon as former partners para sa kanilang anak.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING