Ruffa Gutierrez, bagong babae ni Derek Ramsay?!

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, bagong babae ni Derek Ramsay?!

Ruffa Gutierrez, bagong babae ni Derek Ramsay?!

NAKATUTUWANG ISIPIN na may showbiz celebrities tayo na very vocal sa kani-lang stand sa buhay.

Si Aiza Seguerra, she’s open being a woman with an alternative lifestyle. Yes, aminado siya na she’s a lesbian. Hindi ito issue para sa kanya.

Noon pa man, she’s open with her relationship with former lover & business manager Chen Sarte.

ADVERTISING

No wonder, now that she’s being linked to former Protégé Krizza Neri (na tipong open din sa tsismis that both are playing beautiful music together), happy ang LGBT community sa pagiging prangka ni Aiza sa kung ano man siya at kung ano man ang paniniwala niya. “It’s not an issue kung lesbian man ako or whatever. As long as I am happy at wala akong naaabalang tao, okay sa akin.”

Sa ngayon, open si Aiza sa pagiging advocate ng LGBT rights. No wonder, she’s a supporter sa advocacy ng first and only Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender Party-list group na Ang Ladlad.

 

ISA SA love din ng mga lesbian at beckies ay itong celebrity model-turned-showbiz-oriented show host na si Divine Lee.

With her exposure sa defunct late night showbiz magazine show na Juicy on TV5, nahasa sa showbiz ang love ng mga beckies na si Divine.

Yes, she loves the LGBT community. In showbiz or gay parlance, siya ang “babaeng bakla” with style.

Started her hosting job sa mga fashion show at product launch, Divine explored hosting job world and now, landed sa Ang Latest (Kapatid Network’s late night showbiz news & gossip show), as one of the the co-host and at the same time as field reporter ng show.

Seen her couple of times doing her job as a host and okay siya. Napaka-natural na lumalabas ang kanyang interest sa showbiz. Hindi lang put-on, ‘ika nga.

Isa rin marahil sa mga out-spoken showbiz and fashion celebrity natin si Divine na she speaks her mind. Sa mainit na issue about RH Bill, she’s vocal sa opinion nya.

“I’m in favor of the education and condoms and pills. I’m not in favor of abortion; people should be properly educated on these things, proper planning will help parents give each child a better and equal opportunity to life,” ang reply niya sa question namin sa kanya on Twitter.

 

NATUWA NAMAN kami kay Ruffa Gutierrez na on her own, kinakaya niyang buhayin ang dalawa niyang anak sa dating asawa na si Yilmaz Bektas.

Mula nang mag-divorce sila ng dating mister, binuhay niya ang mga anak na walang tulong or suporta mula sa ama ng mga bata.

Kaya recently, at the London Olympics, nagbakasyon sina Ruffa kasama sina Lorin at Venice.

Yes, Ruffa spent for their vacation without any help from former husband.

Sa bakasyon na ‘yun, doon din nagsimula na magkakulay ang minsang pagkikita nila ng broken-hearted na rin na si Derek Ramsay who covered the event for TV5.

Ang tanong ng bayan, is Ruffa the current flame in Derek’s life?

Let’s wait and see…
Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING