Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao, pinahahaba lang ang ‘nota’ ni John Lloyd Cruz!

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao, pinahahaba lang ang ‘nota’ ni John Lloyd Cruz!

Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao, pinahahaba lang ang ‘nota’ ni John Lloyd Cruz!KUNG KUMPLETO NAMING nasusubaybayan ang Ram Revilla case, parang hindi man lang naa-appreciate ni Genelyn Magsaysay ang pagtulong ng half-brother ng kanyang namatay na anak, si Sen. Bong Revilla, Jr.

Ngayon ay nagpapainterbyu ang nanay ni Ramgen at ng mga suspect ding sina Ramona at RJ at nakikiusap itong ‘wag na silang pakialaman ng senador.

Problema raw nilang mag-iina. Ang aga raw ng kampanya ni Sen. Revilla.

Sorry, ha? Gusto talaga naming makisimpatiya rito ke Genelyn, dahil nga sa bigat ng pinagdaraanan niya, pero sa mga pinagsasasabi niya, ayaw naming isiping me sayad siya sa utak.

ADVERTISING

Mula umpisa hanggang ngayon, tumutulong ang senador, hindi man lang niya nakita ‘yung effort ng tao.

‘Pag hindi naman sila tinulu-ngan, masama pa rin ang tingin niya ke Bong, sasabihin niya, half-brother niya, hindi man lang tinulungan ni Bong.

Ngayong tumutulong, ang feeling ni Genelyn, ginagamit sa maagang pangangampanya.

Saan na ilalagay ni Sen. Bong ang sarili niya?

Saka ewan ko ba rito ke Gene-lyn, imbes na pauwiin ang anak from Hong Kong or Turkey, dina-divert ang isyu sa pangingialam daw ni Bong.

Nanay ka, pinasibat mo ang anak mo. ‘Wag na sa isyung sangkot ang anak mo, eh. Du’n na lang sa wala pang 40 days ang namatay niyang kapatid, pinalipad mo na agad?

Anong klaseng ina ito?

Ngayon, masisisi mo ba ang mga tao kung mag-isip na malaki ang kinalaman ng mga anak mo sa pagpaslang sa anak mo?

‘Wag naman sanang mangyari (knock-on-wood), pero baka ang ending nito, at hindi malayong mangyari na pati si Genelyn, sangkot dito.

At sana rin, hindi totoo ang kutob naming me “konting” “kembular” sa utak si Genelyn.

 

FINALLY, BINASAG NA ni Ruffa Gutierrez ang kanyang katahimikan sa Paparazzi kahapon.

Hindi namin masyadong marinig dahil sa lakas ng blower sa RJ Salon, pero bakas sa mukha ni Ruffa na siya ay “nakahinga na nang maluwag” dahil nasabi na niya ang gusto niyang sabihin.

Sana nga, ‘yun na ang ending at huwag na rin sanang sasagot pa si Shaina Magdayao o si John Lloyd Cruz. Period na ‘yon.

Binibigyan lang nila ng karapatan ang mga manonood na sila’y husgahan hanggang sa sila’y maging masama na sa paningin ng iba.

So, Ruffa, Shaina, tama na. Quiet na lang kayo. ‘Pag ito’y itinuloy n’yo pa, pinalalaki n’yo lang ang ‘nota’ ni John Lloyd.

 

POSIBLENG MAKA-P300 M ANG gross receipts ng Praybeyt Benjamin”in 20 days.

‘Yan ang forecast na nakuha namin.

“Ang tao kasi, ‘pag napanood na nila ang movie, imposible nang ulitin, dahil mahal nga ang sine,” sey ni Tita Hermie Go, ang associate producer ng naturang movie.

“Pero, ‘Ning, ang nangyayari, ‘pag napanood na ng isa, siya na mismo ang nagrerekomenda sa mga kaibigan para panoorin ang pelikula at kasama pa siya, as in take 2 siya ng panonood.”

Tinukso nga namin si Vice Ganda na kung sakaling makabog niya ang P270M ng No Other Woman, may “Este” na sa title niya.

siya na ang tatanghaling “Box-Office Queen Este King” sa Guillermo.

Palagay n’yo? Keri?

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING