Ruffa, being courted by ex-husband?!

Ruffa, being courted by ex-husband?!

Ruffa, being courted by ex-husband?!NAGPARAMDAM NA NAMAN si Ylmaz Bektas sa estranged wife niyang si Ruffa Gutierrez. Isang text ang tinanggap ng dating misis kailan lang at bumabati sa kanya ng ‘Happy Mother’s Day.’
Sa isang lugar na malayo sa ‘Pinas, paano nalaman ni Ylmaz na Mother’s Day pala, at dito sa atin, napakalaking celebration iyon para sa mga ina? Nangangahulugang napapanood /pinapapanood pa rin niya ang Mondays through Fridays hosting ni Ruffa sa Ruffa and Ai, gayundin ang The Buzz niya with Boy Abunda and Kris Aquino.

Hindi kataka-taka kung ganun na ma-realize ni Ylmas na walang hihigit pa sa ina ng kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice. For estranged wife, napakaganda pa rin ni Ruffa hanggang ngayon. Hindi pa rin siya naaakit sa sangkatutak niyang suitors, not even one of them can take the place of Ylmaz sa puso at buhay ng unica hija nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Ito kaya ang dahilan kung bakit may cold war na naman ang mag-ina ngayon? “Ganito lang naman kami talaga ni Mommy,” katwiran niya. “Hanggang ngayon she treats me like her little girl. We said things to each other na nakakasakit but I hope na magbati na rin kami agad. Nakaka-miss ang mother-daughter bonding namin ngayon.”

Umiwas sagutin ni Ruffa ang tanong kung ang text na iyon ni Ylmaz ang puno’t dulo ng hindi nila pagkikibuan uli ng mommy niya. Takot na takot kasi si Annabelle na masungkit muli ni Ylmaz ang kanyang beloved dawter. Palagay niya, mamamatay siya sa sama ng loob kapag nangyari ang ayaw niyang mangyari.

HANGGANG NGAYON, tumitiba pa rin ang ABS-CBN sa teleseryeng Lobo nina Piolo Pascual at Angel Locsin. Tingnan mo nga naman iyan. ‘Di ba last year pa ito ipinalabas? Panalo sa commercials iyon. Mismong si Roxy Liquigan, PR exec. ng numero unong network ang nagbalita nito sa isang press briefing na ginanap sa Star Cinema Office.

Contrary to what some doubting Thomases say, hindi lang na-renew ang mga endorsements ni Angel, kundi nadagdagan pa. Siya na ang Primetime Queen ng ABS, pagsanibin man ang Kapamilya at Kapuso network. Magandang switch ang character ni Angel from serious (sa Lobo) to comedy sa Only You. Natumbok ng ABS ang kiliti ng publiko. Gusto nilang mapanood si Angel sa iba’t ibang roles, at iba’t ibang naggaguwapuhang leading man. Hindi mauubusan ang ABS sa mga posibleng “aangkin” kay Angel sa Kapamilya station.

KAHIT HINDI SINESERYOSO sa showbiz si Geneva Cruz ngayon, naantig pa rin ang puso ng inyong lingkod nang ipagtapat niyang tatlong beses siyang nakunan sa pakikipagrelasyon kay KC Montero, nakababatang kapatid ni Troy.

“The three (3) KC’s didn’t survive,” anya na gumagaralgal ang tinig. Kahit ayaw niyang aminin na ito ang dahilan kung bakit nanganganib ang kanilang pagsasama ni KC. Traumatic nga naman ang naging karanasan niya at posibleng hindi matupad ang panagarap niyang magkaroon ng anak sa dayuhanng live-in partner. Imagine, not once, not twice, but three times! Sakit noon.

Malaki na ang anak ni Geneva kay Paco Arespacochaga, si Heaven. Buti naman at inaalagaan pa rin ito ni KC kahit, supposedly ay wala na nga sila.

Hindi rin maintindihan kung bakit parang nawawala lagi sa kanyang sarili ang magaling na singer, tuwing a-attend ng mga okasyon sa showbiz. Tulad na lamang sa Boracay. Wala siyang pakialam na i-display ang katawan sa kakarampot niyang saplot. Kung sabagay, ang sexy niya talaga ngayon. But that doesn’t give her the privilege na sapawan ang mga kasamang kasalukuyang ginagawa ang dapat gawin sa gathering na iyon.

BULL Chit!
by Chit Ramos