Rufa Mae Quinto, p’wede na ulit mag-bold

ADVERTISING

Rufa Mae Quinto, p’wede na ulit mag-bold

Rufa-Mae-QuintoNAKAUSAP NAMIN ang isa sa mga pinakamatagal nang artista ng Bubble Gang na si Rufa Mae Quinto kamakailan lang. At kitang-kita sa kanya ang napakagandang aura. Wala na ‘yung kaba o nerbiyos dahil sa kanyang operasyon sa kanyang dibdib. Maayos na ang kanyang aura.

Nakangingiti na nga ang beauty niya ngayon. At sabi nga niya ay puwede na ulit siyang mag-bold. Hindi na siya naiilang ngayon. Dati kasi ay problemado siya sa pagkakaroon ng bukol sa kanyang kaliwang dibdib.

Masayang-masaya si Rufa dahil nga 20 years na po ang Bubble Gang at nagkaroon sila ng thanksgiving mall show sa Market Market. At masuwerte siya dahil almost 15 years na ang inilalagi  niya sa show.

Si Rufa ay nagiging adviser din ng mga bagong artistang kabilang ng gag show.

ADVERTISING

Congrats, Bubble Gang… happy anniversary!

Arjo-AtaydeArjo Atayde, sinusubaybayin ding ang pagka-kontrabida sa serye

HINDI LANG sina Coco Martin at Onyok ang sinusubaybayan sa seryeng Ang Probinsyano, kundi maging ang kontrabidang si Arjo Atayde. Marami ang nagagalingan sa kanya pagdating sa pag-arte. Sabi nga, tamang timpla ang mga artistang bumubuo sa teleserye. Morenong-moreno si Coco at mestiso naman si Arjo.

At sa true lang, mismong si Coco ang pumili kay Arjo para gumanap sa pagiging kontrabida. At ngayon nga ay naging magkaibigan ang dalawa.

At hindi nga malayong mag-uwi ng acting trophy ang dalawa sa mga award-giving bodies. May Coco na, may Arjo pa.

Naka-attend nga kami sa birthday party ni Arjo at doon namin nalaman na maraming kaibigan ang anak ni Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde. Star-studded!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING