RUFA MAE QUINTO, NAMATAYAN NG INA SA KAARAWAN

ADVERTISING

RUFA MAE QUINTO, NAMATAYAN NG INA SA KAARAWAN

RUFA MAE QUINTO, NAMATAYAN NG INA SA KAARAWAN
Rufa Mae with Mom Carol & Alexandria

KAARAWAN ngayon ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto.

Imbis na mag-celebrate at magsaya ay malungkot ngayon si Peachy (palayaw ni Rufa Mae) dahil ang mahal niyang ina na si Mommy Carol ay pumanaw na .

Sa kanyang Instagram message, may emosyonal na mensahe ito sa kanyang ina.

”Ma, I love you. Lagi ko tatandaan yung sinabi mo na wag ka matakot, maging matapang ka para sa anak mo. Ang sakit mawalan ng ina mommy Carol. Rest in peace. We love you.”

ADVERTISING

Dagdag pa sa kanyang IG message: “At least pumikit ka lang at natulog. Nakita mo ang apo mo. Naka-attend ka ng first birthday ni @alexandriamagallanes at nakita mo ako kinasal.”

RUFA MAE QUINTO, NAMATAYAN NG INA SA KAARAWAN
Piolo Pascual and Rufa Mae Quinto

Sa katunayan, almost two weeks ago ay nakasalubong namin si Rufa Mae sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN on our way out na haping-happy sa estado niya bilang isang ina na karga-karga ang kanyang anak.

“Happy ako as a mom. Ngayon ko lang naradaman ito, yehey. Sana noon pa pala ako dapat naging mommy!” kuwento pa nya. Isang hand-on mom si Rufa Mae kay Alexandria.

Biro nga niya, “Gusto ko pa ng isa.”

Sa pagtatagpo naming yun ni Rufa Mae with some press people kung saan galing kami sa presscon ng pelikulang Kasal, nag-abot pa siya ng pang-kape namin ng malaman niya na papunta kami sa fastfood chain sa tapat ng ELJ para mag-tsikahan.

Ngayong araw, Rufa Mae turns 40. Di ko alam kung papaano ko babatiin siya na birthday niya na sa panahon ng pagdadalamhati naman siya sa pagkamatay ng ina last Saturday, May 26.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING