Rufa Mae Quinto, nagpalit ng manager, pero walang balak lumipat ng network

Rufa Mae Quinto, nagpalit ng manager, pero walang balak lumipat ng network

Rufa-Mae-QuintoSA SHOW titled 4 Da Best + 1 ay makikipagsabayan si Rufa Mae Quinto sa mga stand-up comedian. Ito ngayon ang bago niyang pinagkaabalahan. Keri ba niyang tapatan ang powers ng mga stand-up comedian?

“Sa mga hindi po nakaaalam, sa stage play po talaga ako nagsimula, kaya hindi na ako baguhan sa entablado. Kaya nga lang, 5 hams (P500) lang ang kadalasang bayad do’n, kaya waley future. Hindi ako mabubuhay. Kaya nagpalit ako ng raket. Kung kaya ko silang tapatan? Oo naman. Kayang-kaya. Sanay naman akong magpatawa. Mas masaya nga lang ngayon kasi marami kami sa stage,” chika pa niya.

Sina Gladys Guevarra, Candy Pangilinan, Kim Idol, at Ate Gay ang makakasama ni Rufa Mae sa 4 Da Best + 1 na ididirek niAndrew del Real at mapapanood sa Music Museum sa March 13 and 14.

Samantala, kinumpirma ni Rufa Mae na wala na siya sa pangangalaga ng Viva Artists Management. Hindi na raw siya nag-renew ng kontrata sa kumpanya. Si Shirley Kuan ang tumatayong bagong manager niya ngayon.

Kahit nagpalit ng manager, wala namang balak si Rufa Mae na lumipat ng ibang TV network.

“May mga nagsasabing bakit daw hindi ako lumipat… ganyan-ganyan. Sabi ko, ba’t ako lilipat, eh, ang ayos-ayos naman ng ganap ko sa GMA 7. Hindi naman ako nauubusan ng projects, ng offers,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas