Rufa Mae Quinto, may reklamo sa malaking boobs

Rufa Mae Quinto, may reklamo sa malaking boobs

Rufa-Mae-QuintoMAY ISA pa pala kaming kuwento sa Startalk bukas tungkol sa pinagdaanan ni Rufa Mae Quinto nu’ng nakaraang taon.

Naging masakitin pala itong sexy star nu’ng nakaraang taon dahil sa nagkaroon ng cyst ang dibdib niya.

Pinatanggal n’ya ‘yun at mabuti raw benign naman. Kaya lang nu’ng pinatanggal niya ang cyst, pinalagyan naman niya ng silicon. Kaya nu’ng nag-show sila ni Gladys Guevarra sa Music Museum nu’ng nakaraang taon, mapapansin n’yong malaki talaga ang boobs niya.

Pero parang tabingi raw at hindi pantay, tapos nakararamdam ito ng pananakit sa likod at nanghihina siya.

Kaya pinatanggal din niya ang silicon. ‘Yun nga lang parang tumabingi naman daw at nagkaroon pa raw ng uka sa boobs niya.

Naka-schedue pa itong ayusin dahil may uka uka pa raw. Kaya sinasabi ni Rufa Mae sa mga kababaihan na maging masaya na lang sa kung ano ang binigay ng Diyos sa kanila.

Ngayon lang daw niya na-realize na hindi pa raw pala talaga puwede ang foreign matter sa katawan niya.

Ilalahad lahat ‘yan ni Rufa Mae sa Startalk bukas.

Nagpu-promote pala si Rufa Mae ng comedy concert nila sa Music Museum sa March 13 at 14, ang 4 The Best Plus 1 kasama sina Candy Pangilinan, Ate Gay, Gladys Guevarra, at Kim Idol.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis