Rufa Mae Quinto, makailang beses inoperahan sa boobs

Rufa Mae Quinto, makailang beses inoperahan sa boobs

Rufa-Mae-QuintoMATAGAL DING nagpahinga si Rufa Mae Quinto dahil sa operasyon sa dibdib. Kinailangang tanggalin kasi ang nakitang bukol sa kanyang boobs.

“Nagkaroon ako ng cyst sa breast kaya nagpahinga muna ako nang ilan buwan. A year before that, I was in pain. Tapos naopera. In six month, mga four times, pero ngayon healed na siya. Pero kapag ganitong maginaw, may kirot-kirot pa rin,” say ni Rufa Mae.

Inamin din niya na may non-showbiz guy siyang deni-date at ito raw ang nagbibigay sa kanya ng lakas ngayon.

“Seven months na kaming dating. Inalagaan niya ako noong sobrang sakit at kailangan ko nang operahan. Nandoon siya all the way. Tapos gumaling na ako. Parang thank you at may taong nagbantay sa akin.”

When asked kung sila na ng guy, hindi pa raw niya boyfriend ang non-showbiz guy kasi hindi pa raw sila nagkakausap nang seryoso.

“Kumbaga, hindi pa kami nag-usap na, ‘are we, aren’t we?’ Parang MU, mutual admiration, kaya friends-friends and all.”

Isang businessman daw ang guy at nasa early 30’s ito.

Ngayong magaling na siya, kahit may kirot pa kapag maginaw, ay nakapag-taping na siya sa Bubble Gang. Kahit na raw kasi anong mangyari ay hinding-hindi niya lilisanin ang nasabing longest running gag show na napapanood every Friday sa GMA 7. Sa BG lang daw siya nakapagrerelaks at nawawala ang mga problemang minsan dumarating sa buhay.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo