Rufa Mae Quinto, madalang na ang project

Rufa Mae Quinto, madalang na ang project

Rufa-Mae-QuintoFEELING NI Rufa Mae Quinto na tila tumigil na ang pagpasok ng project sa kanya kaya magja-Japan na lang daw siya. Pero bago mag-abroad ay magliliwaliw muna raw siya para sulitin ang bakasyon habang walang ginagawa.

Kagagaling lang niya ng Balesin, kung saan tinikman niya ang naging controversial na menu roon na “yaya meal” at buong ningning na sinabi na masarap naman daw ang nasabing controversial meal.

Sumama rin siya sa taping ng Bubble Gang sa isang napakagandang beach resort para sa summer special ng gag show at sulit na sulit daw ang kanilang bakasyon/taping dahil nakapag-bonding sila ng co-stars sa BG sa labas ng studio.

Magse-celebrate si Rufa Mae ng kanyang kaarawan next month at damang-dama na raw niya ang pagiging ganap na babae, dahil nag-iba na raw ang priority niya sa buhay, not like before na okey lang whatever happen to her career and lovelife.

For 20 years in showbiz, marami na siyang natutunan, tulad ng hindi na siya papatol sa mga walang katuturan at basehan paninira.

“I will always be a good girl. Hindi ako dapat pumatol sa mga taong gumawa sa akin ng hindi maganda. Ipagdarasal ko lang sila. Kung anuman ang gawin nila, karma na nila ‘yun.

“Let’s just be grateful and be proud of what we did. What we have become and what we can be. O, ‘di ba? Beauty with a purpose lang ang peg. Kasi I`ve been blessed for the past 20 years in showbiz, until now, ‘di ba?

“Magdadrama na rin ako. So kailangan kong maging happy, para matuloy ko ‘yung purpose ko sa buhay. Dahil ngayon, I’m still here,” patuloy pa ni Rufa Mae.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo