Rufa Mae Quinto, inaming naging kabit siya!

ADVERTISING

Rufa Mae Quinto, inaming naging kabit siya!

Rufa Mae Quinto, inaming naging kabit siya!BONGGA SI Rufa Mae Quinto at inamin niya na naging “mistress” siya.

At least, hindi niya ikinahiya na minsan ay naging “kabit” siya. Nagmahal man siya, na-realize niya na ang lahat ng mga ganu’ng relasyon ay hindi pangmatagalan. “Ako pa rin ang naiiwan sa bandang huli,” pag-amin niya.

May mga marriage proposal na rin naman sa kanya noon pero tinanggihan niya sa takot sa responsibilidad. “Hindi pa kasi ako ready noon at madami pa ang umaasa sa akin. But now, gusto ko na.”

Sa katunayan, ang dating boyfriend niya na basketbolista na si Rudy Hatfield ay inaya na siyang magpakasal noon na tinanggihan niya.

ADVERTISING

We just hope that this time, may magseryoso muli  kay Rufa Mae at i-offer muli siya ng kasal tulad ng dati.

Pero may tanong lang ako sa sexy comedienne. I just wonder kung aaminin din niya na naging mistress siya ng isang dating congressman from Central Luzon; a former Manila mayor and an incumbent senator.

 

‘PAG NATULOY si Sarah Geronimo sa kanyang bakasyon sa Brazil sa taong ito, tila malaking kuwento ito sa showbiz lalo na’t for the first time maglalakwatsa siya na hindi kasama ang kanyang mga magulang. In short, rarampa siya only with friends para diskubrihin ang mundo.

It’s freedom for the Pop Princess ‘pag nagkataon. Isang malaking hakbang ito para sa dalaga.

I’m sure, ang virginal image niya ay mahuhubaran lalo pa’t sa lakwatsa niyang ito, sinabi ng singer-aktres na sa taong 2013, madaming pagbabago na ang magaganap sa kanya. Mga pagbabago na for the better para sa kanyang career at sa kanyang sarili.

Pero mas interesado ako sa kalayaan na matagal na niyang inaasam-asam sa bagong taon.

Kahit sabihin pa niya na hindi niya minamadali ang kalayaang ito para hindi siya magkamali, it’s a big move para sa kanya.

Imagine, Sarah in two piece skimpy bikini enjoying the beach of Ipanema? Makikipagsabayan siya sa mga girls of Ipanema sa pagrampa.

Sa Brazil, baka rito magaganap ang awakening ng Pop Princess na hindi malayo sa edad beinte singko (she’s turning 25 this year) ay matitikman na niya ang kalayaan na matagal na niyang inaasam-asam.

Sa edad niya na 24 ngayon, never been kiss pa ang dalaga. Ewan kung sa pagba-bar hopping niya with KC Concepcion (na makakasama niya sa lakwatsang ito) may pumasada sa kanya at for the first time ay isang simpleng halik ng isang guwapong Brazilian ng makakauna kay Sarah.

Daming guwaping sa Brazil. Mga mukhang mga modelo. Imagine the looks of Daniel Matsunaga, Akihiro Sato at ang mga sampu-samperang mga modelo na pumalaot dito sa Pilipinas para maghanap-buhay ang mae-encounter ni Sarah, why not?

If ever, Sarah should start taking a crash course on how to kiss; how to be safe at higit sa lahat, on how to flirt. Yes, just flirt nothing more, nothing less para ma-enjoy niya ang kanyang kalayaan.

At ‘pag nagkataon, sa mga pelikulang gagawin niya, a kissing scene (torrid man or whatever) is no longer an issue na ituturo pa sa kanya.

With her movie with John Lloyd Cruz, ang It Takes a Man and a Woman (if I‘m not mistaken at awitin ni Teri de Sario) for Star Cinema, may hot kissing scene diumano ang dalawa.

This month, kapag walang aberya, aalis sila for the Big Apple (New York) to shoot the movie.

HULI SI Ate!

Kahit ako, magdaramdam sa katayuan ni Kim Chiu na ang inaasahan kong “Bestfriend” at “Big Sister” ay ka-date ng ex-boyfriend ko na si Gerald Anderson sa Misibis Bay sa Albay kahit sabihin man na wala na kaming relasyon. Kung bakit naman kasi hindi man lang kumatok si Maja Salvador na trip din pala niya si Gerald.

Pero say ni Little Sister Kim, naka-move on na siya kaya no comment siya.

But I’m sure, makakaapekto ang pangyayaring ito sa taping at trabaho nila sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak (Book 2).

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING