Rufa Mae Quinto, hinahayaan na lang sa karma ang mga gumagawa ng ‘di maganda sa kanya

Rufa Mae Quinto, hinahayaan na lang sa karma ang mga gumagawa ng ‘di maganda sa kanya

Rufa-Mae-QuintoMAGKAKAROON NG concert si Rufa Mae Quinto ngayong summer. Makakasama niya si Mark Bautista sa kanyang concert sa Fukushima, Japan.

Kaya naman sinusulit na raw niya ang chance niya na makapag-beach. Sa katunayan, sinalubong niya ang April sa Vigan kasama ng kanyang barkada. Kagagaling lang din ng Kapuso comedienne sa Balesin kasama ang mga kaibigan at nakatakda rin siyang pumunta ng Baler kasama ng co-stars niya sa Bubble Gang.

Nag-taping din ang Bubble Gang sa Caramoan para sa kanilang Summer Special. Sobra raw itong na-enjoy ni Peachy dahil nakapag-bonding daw sila nang husto ng kanyang co-stars sa labas ng studio.
Samantala, birthday ni Rufa Mae next month. Ayon sa kanya, damang-dama na niya ang kanyang pagiging ganap na “woman” dahil nag-iiba na ang kanyang priorities sa buhay. Nag-share pa nga ito ng kanyang mga natutunan sa 20 years niya sa showbiz.

“I will always be a good girl. Hindi ako dapat pumatol sa mga taong gumawa sa ‘kin ng hindi maganda. Gusto ko ipagdasal ko na lang sila. Kung anuman ang gawin nila, karma na lang nila ‘yun.”

Bongga!

La Boka
by Leo Bukas