Rufa Mae Quinto, ‘di tuloy ang concert

ADVERTISING

Rufa Mae Quinto, ‘di tuloy ang concert

Rufa Mae Quinto, ‘di tuloy ang concert

 

HINDI GINUSTO ni Rufa Mae Quinto na hindi matuloy ang balak niyang debut concert (bilang 18 years niya sa showbiz) ngayong buwan ng October. Ngunit wala siyang magagawa kundi ipagpaliban na lamang ito. Kung kailan man ay hindi pa niya alam, ngunit balak niya itong ganapin sa Mall of Asia.

Dahil sa lagi nga siyang abala, mas may dapat din siyang unahin. Natuturete na rin daw umano ang kanyang isip sa kabi-kabilang project. May kakatapos lang siyang ginawang pelikula na nakatakdang ipalabas sa October 24. Isa ito sa mga dahilan kung kaya’t ‘di na nga itutuloy ang concert niya this month.

ADVERTISING

Tuloy pa rin ang taping niya sa mataas na rating na fantaserye ng TV5 na tumagal sa ere, ang Enchanted Garden. Role niya ang isang diwata na si Diwani Grasya na isinumpang maging isang rabbit. Malapit na rin itong matapos dahil marami pang mga nakaline-up na programa ang network. Isa sa mga programang ito ay muling makakasama si PiChi.

Buhay na buhay pa rin ang programang Bubble Gang, ang magdadalawang dekada nang TV sitcom ng Kapuso Network. Bidang-bida pa rin siya sa kanyang kakaibang pagkakikay. Ayon sa dalaga, hindi niya ito iiwanan, unless na lang kung hinihingi ng pagkakataon ay wala na siyang magagawa.

Nagawa rin niyang tanggihan ang offer na movie para sa MMFF. May binabalak umano siyang gawin para sa Disyembre. Kung ano man iyon ay siya na ang nakaaalam. Malay natin, baka tungkol na ‘yun sa lovelife niya.

 
Parazzing Gala

By Luz Candaba

ADVERTISING