Rufa Mae Quinto, binarat sa show ni Willie Revillame?!

ADVERTISING

Rufa Mae Quinto, binarat sa show ni Willie Revillame?!

Rufa Mae Quinto, binarat sa show ni Willie Revillame?!PERA RAW ang dahilan kung bakit nag-disappear ang beauty ni Rufa Mae Quinto sa programang Wil Time Bigtime, kung saan ay humihingi raw ang kampo ng aktres ng P750,000 per show, dahil iyon ang talent fee ng dalaga sa programa nitong Bubble Gang.

ADVERTISING

Ewan, pero kung paniniwalaan ang balita, dismayado raw ang aktres sa talent fee na in-offer sa kanya ng TV5, kung saan buong akala nito ay higit na mas malaki ang kanyang TF kumpara sa iniwang TV network.

Sa mga sandaling sinusulat namin ang kolum na ito, hindi pa rin nagbibigay-komento si Rufa Mae sa kung anong dahilan ng kanyang pag-alis sa show ni Willie Revillame, kung kaya’t kung anu-anong bersiyon ang naglalabasan. At isa na nga rito ang pagiging abala umano nito sa nalalapit nitong pagpapakasal kay Boy 2 Quizon.

 

ADVERTISING

DAPAT AY sasampahan ng kaso ni Jodi Sta. Maria si Iwa Moto, pero bigla raw na-cheap-an ang aktres sa issue, kung kaya’t deadma na lang ito sa babaing diumano ay bagong pag-ibig ng dati niyang mister na si Pampi Lacson.

Ayon sa aming source, mas minabuti raw ni Jodi na huwag na lang patulan si Iwa para na rin sa kapakanan ng anak na si Thirdy na feeling ng aktres ay higit na maaapektuhan kung lalaki pa ang issue.

Ayon sa friend ni Jodi, kung magsasalita raw ang aktres laban kay Iwa, marami raw itong bala. Pero mas minabuti na lang ni Jodi na manahimik at huwag maging palengkera, dahil hindi raw kapatol-patol si Iwa.

Samantala, sa panig naman ni Iwa ay wala raw kinatatakutan ang aktres kung kaya’t sinabi nito ang totoong kuwento. May karapatan daw na idemanda siya ni Jodi dahil alam naman daw ni Jodi na ang lahat ng mga isiniwalat ni Iwa ay may bahid ng katotohanan.

 

BLIND ITEM: Lumang blind item na ito, pero tawa kami nang tawa habang nasa meeting kami ng programang Paparazzi ng TV5 nang mapadako ang aming usapan sa isang aktor at aktres na nakalimutang tanggalin ang kable ng kanilang lapel, kung saan ay dinig na dinig ng isang beteranong direktor na sina aktres at aktor ay gumagawa ng kalaswaan.

Ang kuwento, habang nakaluhod daw si aktres nang walang belo sa aktor ay panay ang litanya nito ng ganito: “Ang hirap namang buksan ang zipper mo.” Na ang sagot ni maputing aktor ay ganito naman: “Bilisan mo.” At maya-maya pa ay naririnig na raw ni direktor ang halinghing ni aktor.

Nataranta raw si direktor. Agad na hinanap sina aktor at aktres at nagulat ito nang malaman niyang magkasama sa iisang van ang dalawa at panay raw ang uga ng nasabing sasakyan.

Ang aktres na bida sa ating blind item ay ang aktres na may initial na V samantalang si aktor ay C naman.

Rufa Mae Quinto, binarat sa show ni Willie Revillame?!

Napagkuwentuhan namin ang lumang blind item na iyon dahil sa isang youngstar na ngayon ay balitang buntis ng tatlong buwan kung kaya’t nasa Europe ito ngayon. Si aktres na balitang buntis ay ang dalagang napabalita noon na nakipaghiwalay kay guwapitong aktor pero muli itong nakipagbalikan dahil hindi niya kayang mawala sa kanyang buhay ang binatang may initial na J.

 

PERSONAL PO na-ming binabati ang store manager ng Goodahh sa may Meycauayan, Bulacan na si Beni-dick dela Cruz sa bongga at nakabubusog na opening ng kanilang food chain.

Sosyal at bongga ang bagong venue ng Goodahh sa Meycauyan na matatagpuan sa MacArthur Highway, ka-tabi ng Manila Montesorri College.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING