Rufa Mae Quinto ‘not so happy’ on her birthday

ADVERTISING

Rufa Mae Quinto ‘not so happy’ on her birthday

Rufa Mae Quinto ‘not so happy’ on her birthdayBONGGANG-BONGGA TALAGA ANG i-binigay na post-birthday party ni Dr. Manny Calayan kay Rufa Mae Quinto last Friday night, June 3, sa 7th Lounge sa Bonifacio High Street, The Fort, Taguig City.

ADVERTISING

Kasama ni P-Chi ang kanyang mga ka-patid, mga tito at tita, at ang pinakamamahal n’yang si Lola Lucing na ang wish sa kanya ay magkaanak na ito. Ang nakakatawang sagot naman ng sexy actress ay wala pa raw donor.

But three days after the said party, which was last Monday, June 6, ibinalita sa amin ni Rufa Mae mismo nang maka-text namin ito na ipinasok daw nila sa ospital ang kanilang 86-year-old lola. Kaya naman daw malungkot sila ngayon.

Nabalita kasi na may sakit diumano sa colon ang kanyang mahal na lola na mukhang malakas pa talaga nu’ng gabing makita namin ito sa third birthday celebration ni Rufa Mae. Sabi nga namin sa sexy actress/comedienne-TV host-producer, halata kung kanino n’ya minana ang kanyang kagandahan, dahil magkahawig sila ng kanyang lola dear.

ADVERTISING

Namataan namin sa naturang birthday bash ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, Azenith Briones, Bangs Garcia, Gretchen Fullido, IC Mendoza, Raymond Gutierrez, Maxene Magalona, Paolo Paraiso, Kian Kazemi, Rochelle Barrameda, Alice Dixson, Vina Morales, Ogie Diaz, Vice Ganda, at ang ex-boyfriend ni Rufa Mae na si Erik Santos, gano’n din ang kasalukuyang nali-link sa kanya na Brapanese model-turned-actor na si Fabio Ide.

Wala pa raw regalo ang singer sa ex-girlfriend n’ya. Pero natawa kami nang hindi matandaan ni Erik ang edad ni P-Chi at nang nagtanong pa ito nang pabiro sa amin kung cougar na ba raw ang kanyang ex-d’yowa.

Wala naman daw problema kay Erik kung ando’n din sa party si Fabio at kung saka-ling makita n’yang sweet sa isa’t isa ang dalawa.

Kahit wala pa raw birthday gift ang dalawang binata, keri lang daw kay Rufa Mae, who turned 32 years old on May 28, her actual birthday. Ang importante raw, “Present sila (Erik at Fabio) sa 3 b-day party ko at lagi silang andyan 24hrs a day!lol,” nakakatawang reply sa amin ng celebrator nang tanungin namin kung ano ang regalo sa kanya nina Erik at Fabio.

 

DAHIL KAY ANGEL Locsin sa blockbuster movie nila ni Aga Muhlach na In The Name of Love, na-inspire si Vice Ganda na mag-pole dancing bilang isa sa ilang todong sample na ipamamalas n’ya sa second major concert n’ya after a year na gaganapin muli sa Araneta Coliseum, sa darating na July 1 (Friday).

Alam daw kasi ng bankable comedian ngayon na aminado ang aktres na hindi ito marunong sumayaw, pero nang mapanood n’ya raw ang pelikula nila ni Aga, namangha raw si Vice sa ganda ng kinalabasan ng pole dancing scene ni Angel. “Napanood ko kasi si Angel dati sa Extra Challenge, kung saan nag-walk out s’ya, dahil pagsasayaw ang challenge na ipapagawa sa kanya. Pero nu’ng napanood ko ‘yung movie at eksena n’ya na nag-pole dancing, ang galing n’ya!” Pagpuri ni Vice kay Angel.

Bukod sa kanilang gagawing special production numbers, makikipagsabayan din daw kay Vice sa pagpapatawa ang kanyang mga guest na sina Toni Gonzaga, Billy Crawford, Xian Lim at Enchong Dee.

Baka imbitahin din daw ng ko-medyante na makisaya sa stage ang ilan sa mga kaibigan n’yang artista na manood ng kanyang concert, gaya ni Kiray.

Ang kontrobersyal na si GB Sampedro ang direktor ng Vice Ganda, Todong Sample sa Araneta!

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING