Rufa Mae Quinto’s new boyfriend is a handsome photographer?!

ADVERTISING

Rufa Mae Quinto’s new boyfriend is a handsome photographer?!

Rufa Mae Quinto’s new boyfriend is a handsome photographer?! LAST WEDNESDAY (APRIL 13), bumuwelta ang mga magulang ng batang si Jan Jan sa mga bumibira sa kanilang anak hinggil sa ginawang pagsasayaw nito ala-macho dancer sa Willing Willie. Nagsampa sila ng reklamong libelo sa Quezon City prosecutor’s office laban sa child psychologist na si Dra. Lourdes Carandang na diumano’y kaagad naghusga na may nangyaring child abuse kay Jan Jan kahit hindi pa nito nakikita nang personal o nakakausap ang bata.

Kasama ring sinampahan nila ng reklamo ang art and culture cri-tic at blogger na si John Silva dahil sa pagtawag nito na biktima raw ng phedophilia si Jan Jan, at sa isang child protection advocate dahil sa pagsulat naman sa Commision On Human Rights, MTRCB, DSWD, at pati raw kay Senator Pia Cayetano, at hinihiling na kundenahin nga ang mga magulang ng bata dahil ipinasok daw ito sa isang nakahihiyang situwasyon nang pasayawin sa Willing Willie.

Pahayag nga ng kinukundena ring tatay ng bata (na isang gay) kung bakit sa lahat ng sayaw ay macho dancing pa ang hinayaan nilang ituro at karerin na sayawin ng bata – lubhang napakasakit daw para sa mga magulang gaya niya na sabihing ang kanyang anak ay na-child abuse.

Pahayag pa sa media ng tatay ni Jan Jan, “Hindi kami ang nang-a-abuse sa anak namin. Sila ang nag-a-abuse sa anak namin. Kung saan-saan na nga kami tumutuloy. Natatakot po kami sa mga sinasabi nila sa amin.”

ADVERTISING

Mariing pinaninindigan ng mga magulang ng bata na hindi raw naabuso o naalipusta ang kani-lang anak. Ito raw ang dahilan kaya buo ang suporta nila sa nadidikdik ngayong si Willie Revillame.

Grabe na nga ang ginagawang pambabatikos sa TV host. Sa kabila ng desisyon ni Willie na pansamantalang ihinto muna ang pag-ere ng kanyang program for two weeks, talagang ayaw pa rin siyang tantanan ng mga patuloy ang pagbira sa kanya.

Ramdam ng TV host na talagang there are some forces out to des-troy him at ang hangad ay mawala na siya sa industriya. Kamakailan nga ay may mga nag-protesta pa sa harapan ng KBP (Kapisanan Ng Mga Broadcasters ng Pilipinas) na mga guro at estudyante kasama pa ang binansagang running priest na si Father Robert Reyes. Hinihiling ng mga ito na gumawa ng aksiyon laban kay Willie na inilarawan pa ng mga ito bilang isang ‘tsunami’ raw ng moralidad ng sambayanang Pinoy.

Gano’n pa man, nagpahayag ang KBP na magiging balance  at  maingat sila sa gagawin nilang imbestigasyon bago sila maglabas ng kanilang mosyon in two weeks time. Maraming mga tagasubaybay naman ni Willie at ng programang Willing Willie ang nagtipon-tipon din kamakailan sa harap naman ng opisina ng MTRCB tanda ng pagpapakita ng mga ito ng suporta sa TV host.

Tiniyak naman ni MTRCB Chairperson Mary Grace Poe na magiging patas din sila sa kanilang pagsisiyasat sa usapin.  Habang ang Senado naman, balak ring magsagawa ng kanilang im-bestigasyon din tungkol dito.

Matindi man ang unos na kinakaharap na naman ngayon ni Willie, marami ang naniniwalang malalampasan niya ito. He has been into a lot of heavy trials before pero natawid naman niya ito. Marami nang pagkakataong tinangka siyang pabagsakin, pero nakakaba-ngon at nakakatayo pa rin siya.

Kumbaga siguro, you can’t put a good man down. And you can’t put a good show down also.

Ganyan?

TSUGI NA RAW sa puso ni Rufa Mae Quinto ang very controversial mystery man sa buhay niya. Matatandaang sa ilang taon ding itinakbo ng relasyon ng sexy comedienne-TV host, talagang hindi niya mabanggit-banggit kung sino nga ba ang boyfriend niyang ito na minabuti na lang niyang itago sa pangalang ‘Mr. M’.

Anyway, ang balita lately, may bagong pag-ibig na nga raw itong si RMQ! At ang chika, isang guwapong photographer daw ang ipinalit ng aktres kay Mr. M. May mga nakakita nga umano sa pagdalaw nito sa kanya recently habang nasa isa sa mga studio siya ng GMA-7.

Pero kahit may mga nangungulit na magtanong kay Rufa Mae kung sino ang nasabing guy, kaparis ng drama niya kay Mr. M, ayaw ring banggitin ng dalaga ang pangalan nito.

Siguro, nag-iisip siya ng code name para sa nasabing guy. Well… since photographer ito, puwede na sigurong tawaging Mr. P.

Kung bakit hindi magawang ilantad ni Rufa Mae ang mga lalaking nakakarelasyon niya lately? Siguro, may sabit. Baka maging magulo lang ang sitwasyon nila kung ilalantad niya kung sino nga ba ang kanyang karelasyon. ‘Yun na!

Pero may iba naman, kinukutuban na baka raw palabas lang ni Rufa Mae na bagong dyowa niya ang nasabing photographer para ma-cover up at hindi na mapag-uusapan pa si Mr. M ng buhay niya. Ang tsismis kasi, bigtime ang Mr. M na ito. At sunod umano ang lahat ng luho niya rito.

Si Mr. M daw ang tipo na kahit ipaghalimbawang may sabit nga, hindi gano’n kadaling pakawalan kasi, good o big catch nga!

May ganyan pa talaga?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING