RR Enriquez, nandidiri sa tomboy! – Eddie Littlefield

ADVERTISING

RR Enriquez, nandidiri sa tomboy! - Eddie Littlefield

RR Enriquez, nandidiri sa tomboy! - Eddie LittlefieldBONGGANG-BONGGA ANG birthday celebration ni RR Enriquez sa Dolce last Saturday. Drink to death at hataw sa dancefloor ang mga close friends ng sexy actress. A night to remember para kay RR ang gabing ‘yun  with her family na very supportive sa showbiz career niya.

ADVERTISING

“Sobrang blessed ako, mayroon akong work, nand’yan ‘yung family ko, marami akong friends. Ang wish ko lang, good health at magkaroon ng solo movie, joke lang! Nagkaroon na rin naman ako ng commercial endorsement with billboard, sobrang blessed ako kaya dapat lang i-share ko ‘yung blessing na natatanggap ko galing kay Lord,” masayang sabi ni RR.

Sa gandang taglay ni RR, bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang boyfriend?” Two years na ako sa showbiz, wala pa rin akong boyfriend. Wish ko, magka-boyfriend na ako. Mapili kasi ako, hindi mo alam kung ano talaga ang intensiyon nila sa ‘yo. Ganoon ako, iniisip ko muna, sa showbiz kasi mahirap magtiwala.”

Nakilala si RR sa pagiging kikay, palabiro, masayahin, punung-puno ng buhay. Para bang hindi niya siniseryoso ang mga lalaking nagpapalipad hangin sa kanya. “Actually, may nanliligaw naman na seryoso. Mayroon pa nga umaabot na ng one year kaya lang, sobrang choosy kasi ako as in sa lalaki. Ang hirap ko talaga magkagusto pero kapag nagkagusto naman ako sa isang guy, ako talaga ang gumagawa ng paraan. Nililigawan ko talaga siya, ganu’n ako. ‘Pag sobrang type ko. Bihira lang ako magkagusto sa isang lalaki, so, sa ayaw at sa gusto mo, kailangang makuha ko siya,” prangkang turan ni RR.

ADVERTISING

Ikinuwento ni RR na nakatatlong boyfriend na siya na puro serious relationship. Matindi nga raw siyang magmahal sa isang lalaki. “Three years ‘yung una, second two years at ‘yung huli, one year. Ako ‘yung humihiwalay, nawala na kasi ‘yung love. Ako kasi, kapag hindi ko na love ‘yung isang tao, hindi ko na pinipilit ‘yung sarili ko.”

Sa showbiz, wala bang nagtangkang manliligaw sa iyo? “Mayroon dati, nagte-txt, ini-invite ako sa condo, parang hello! Ano’ng akala niya sa akin cheap, ‘di ba? Feeling niya kasi, nagpapa-sexy ako, siguro easy to get ako. Txt ko siya, “wow feeling ka, close ba tayo? Ganyan ba ang tingin mo sa mga babae rito sa showbiz? Sorry, hindi kasi ako ganu’n.” After that, hindi na siya nag-txt. Everytime na nagkikita kami wala siyang mukhang iharap sa akin.”

Balitang may mga lesbiana nagkakagusto sa ‘yo, how true? “Teka lang, kadiri naman, so far, wala pa naman akong nami-meet na mga lesbiana na nagkainteres sa akin. Kung mayroon man, hindi ko sila papatulan, ayaw ko, lalaki na lang ang ibigay ninyo sa akin. Gusto ko ng lalaki, gusto ko rin ng notes! Basta ako, kanya-kanya tayo ng gusto, never akong magkaka-interes sa babae, ‘yun lang!”

Sabi pa niya, kahit anong intriga ang ikabit sa kanya tatawanan lang niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING