RR Enriquez at Jeck Conwi Maierhofer , humingi ng sorry sa ‘pambabastos’ sa natutulog na pasahero

RR Enriquez at Jeck Conwi Maierhofer , humingi ng sorry sa ‘pambabastos’ sa natutulog na pasahero

RR-Enriquez-Jeck-Conwi-MaierhoferNAG-SORRY NA sina RR Enriquez at Jeck Conwi Maierhofer matapos makatikim ng bash nang maging viral ang video nila na nagpakita kung paano nagising sa malakas nilang busina ang isang commuter van passenger.

“I sincerely and wholeheartedly apologize for my inappropriate behavior in the video that has offended many. Sana po ay inyong tanggapin ang aking taos pusong pag hingi ng tawad sa lahat lalo na po sa mama na nasa loob ng van. This incident has taught me to be more sensitive towards people’s feelings and be more responsible for my actions. Tao lang po ako,hindi po ako perpekto,thank you sa lahat ng nagmessage,thank you sa asawa ko na hindi ako jinudge at niyakap ako,yan lang po talaga ang kailangan ko ngayon.Again,sorry po ulit” post ni Jeck.

“Nag honk kami para magising sya.. At first i thought it was funny. Some people took it seriously, some people think its funny.. Kanya-kanyang comment.. But now i can honestly say Yes you are rights [sic] its rude.. Nabreak din yung heart ko when i realized na siguradong pagod yung guy na yun kaya sya nakatulog and yet ayun inisteal pa namin yung konting tulog na magagawa nya sana Sometimes we tend to do things dahil akala natin funny.. We do things ng hindi muna tayo nag iisip and i must say im one of them,” say naman ni RR.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas