RR Enriquez, binabanatan sa social media dahil sa ipinost na video

RR Enriquez, binabanatan sa social media dahil sa ipinost na video

RR-EnriquezTHINK BEFORE you “Click”. Laging pakatandaan ‘yan ng lahat lalo pa’t mahilig tayong magbigay ng ating opinion at kuro-kuro sa social media tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, etc.

Malamang, hindi alam ng starlet na si RR Enriquez at isa pang starlet with a lesser stature (with a foreign sounding last name) ang ibig sabihin nito.

Infomercial ito ng GMA News TV na ang batikang si Howie Severino ang nagpapaliwanag. Tungkol ito sa responsibilidad ng bawat isa na gustong mag-post ng kanilang opinion sa social media. Marami kasi ang mga netizen na iresponsable na dahil sa mga walang wawang mga postings nila, tuloy naba-bash sila at nakakukuha ng mga negative comments and feedbacks mula sa kapwa.

Yes, dahil sa social media, naging palasak na ang “press freedom”. Bawat isa ay may kapangharihan, karapatang magbigay ng kanyang opinion sa samu’t saring isyu ng lipunan, buhay or maging isyu nilang personal.

Pero ‘yong ginawa ng dalawang istarlet ng TV5 na si RR at ang isa na wala sa kamalayan ko ang pangalan na binusinahan nang malakas ang isang taong natutulog ay isang hindi tamang gawi.

Turo ng tatay at nanay ko, huwag maingay kung may taong natutulog. Sabi ng lola ko, dahan-dahan ang lakad kapag may taong nagpapahinga at hibing. At higit sa lahat, huwag kunan ng litrato (still or video man) ang isang taong natutulog dahil may paniwala na masama at hindi maganda.

Pero ang ginawa ng dalawang starlet, sinadyang kunan ng video ang taong natutulog na binusinahan nila at in-upload pa nila sa kanyang social media account.

Tama ba ‘yun? Sabi ng mga netizens, foul. Isang kabastusan. Walang modo. Walang pinag-aralan. Bastos. Walang breeding, etcetera… etcetera. Dahil sa pangyayari bina-bash ngayon ang dalawa. Pero humingi na raw ng dispensa ang dalawang starlet sa ginawa nila. I just don’t know kung humingi rin sila ng dispensa sa taong binulahaw nila.

Itong starlet na si RR, sa recent posting niya, sinasabi na pagod na raw siya sa kade-delete at kaba-block sa mga followers niya sa social media na binabanatan siya.

Kung hindi nga ba naman eng-eng ang isang ito, kung tamang asal ba naman ang ginawa niya, ‘di na sana umabot sa pambabastos, pagmumura, at pagbabalahura ng netizen sa kanya.

Cheap thrills that created a big impact sa mga buhay nila (kung tutoong naapektuhan sila).

Kung bakit ba naman kasi kung sinu-sino na lang ang kinukuhang artista ng TV5 sa mga bagong shows nila. Wala na bang iba? Wala na bang mas decent? Ang alam ko, kasama sa cast ang dalawang starlet sa Happy Wife, Happy Life.

Pero bulong ng isang malapit na kaibigan ni RR, “Uriratin mo nga kung totoong wife siya? Ang alam ko sa wife ay ikinasal or may asawang legal.”

Ewan ko sa TV5, wala na bang iba na p’wedeng isama sa show? Magwalis nga kayo.

Reyted K
By RK VillaCorta