• Usapang Paratsi
  • Parazzi Made
  • Parazzi Scandals & Exclusives
  • Opinion
  • Blind Items
  • Parazzi Videos
Sign in
Welcome!Log into your account
Forgot your password?
Password recovery
Recover your password
Search
  • About
  • Advertise With Us
  • Contact
Sign in
Welcome! Log into your account
Forgot your password? Get help
Password recovery
Recover your password
A password will be e-mailed to you.
Pinoy Parazzi
  • Usapang Paratsi
  • Parazzi Made
  • Parazzi Scandals & Exclusives
  • Opinion
  • Blind Items
  • Parazzi Videos
Home Usapang Paratsi Sure Na 'To!

RR Enriquez, aminadong naging gahaman sa pera!

By
Arniel Serato
-
April 10, 2013

RR Enriquez, aminadong naging gahaman sa pera!RR Enriquez, aminadong naging gahaman sa pera!NAKU ‘ETO na naman tayo sa ‘all’s well that ends well’. Matatandaang nagpasaringan sina RR Enriquez at dating PBB Celebrity housemate na si Jen Da Silva Geisler dahil sa pera. Diumano ay may unpaid balance pa itong asawa ni Donnie Geisler sa utang niya kay RR.

Pero sa guesting ni RR last Monday sa Ang Latest sa TV5, inamin niyang okay na sila ng kaibigan at nagkapatawaran na.

Saad niya, “Siyempre in behalf of Atty. (Ferdie) Topacio, siya po ‘yung naging peacemaker namin dito. So ‘yun, siya po ‘yung lawyer ni Jen at ‘yun po pinag-ayos niya po kami. In all fairness sa kanya, so thank you.”

Paano ba sila humantong sa magandang kasunduan bilang hudyat ng kanilang pagbabati? “Ah, kasi nagpadala po ‘yung lawyer ko sa kanya ng parang demand letter na kailangang within one week ma-settle niya ‘yung perang hinihingi ko. Ano po ‘yun, nabayaran naman niya after two weeks pa, nagbigay naman siya sa akin ng letter din and then she said babayaran nga niya ako ng March 31 o 30. Nag-settle naman po siya, half lang, pero okay naman po ako du’n, kasi ang gusto ko lang naman ay bayaran niya po ako.”

Matatandaang sa mga unang naging kuwento ni RR, sa unang araw ng kanilang pagkikita at pagkakilala ni Jen, nagpautang na agad siya ng isang milyong piso. “Tapos saka tao lang din, sinabi niya po sa akin na tutubo ako ng two hundred thousand pesos. Ako po hindi na po ako magpapaka-plastic. Kumbaga, first time ko po na ganu’n po ‘yung mangyayari. So balak ko siyempre, since andu’n lang naman sa bangko ‘yung pera ko, tutubo ako ng P200,000 sa P1 million. Ten months naman po… so, after one week, binigyan ko ulit siya ng P1 million, kasi nga tutubo naman ulit siya ng P200,000. Sabi ko, wow! P400,000 na ang tubo nito. Kumbaga hindi na po ako magpapaka-plasitc, marami pong taong ganu’n, ‘di ba? Kumbaga parang pera (na) ‘to.”

Dagdag pa niya, “Opo inamin ko naman po, talagang naging greedy po ako nu’ng moment… time na ‘yun. I mean, hindi lang naman po ako ang gumagawa (nagpapatubo) nito, marami naman po siguro.”

Ang magandang naging dulot daw ng kanilang pagkakaayos ay ang pagkasalba ng kanilang pagkakaibigan ni Jen. “Nasalba ‘yung pagkakaibigan. ‘Yun po at saka ‘yun nga, okay na po kami ngayon. At least, mababayaran na po ako. ‘Yun nga ang lesson sa anong ‘to… huwag basta-basta magtiwala and ‘yun nga, huwag masyadong gahaman siguro. ‘Yun nga kasi ang iniisip ko talaga, pera, wow tutubo ako. Pera-pera lang, ang utak ko talaga, pera. Ayan ang nangyari sa akin.”

 

KAHIT NA sinabi ni Rosanna Roces sa kanyang Facebook account na hindi siya magpapa-interview, pinagbigyan pa rin niya ang Ang Latest ng TV5 upang malinawan ang dahilan ng kanilang gusot ng anak na si Onyok. Inamin ni Osang na babae ang dahilan kung bakit sila humantong ng anak sa sakitan, Biyernes Santo pa man din noon. “Ang isyu hindi naman sa ‘min eh, ang isyu sa isang babae na ewan ko kung saan niya pinulot. Kasi ako, bawal ‘yun eh, ‘yung ipagpalit ang kadugo.”

Kasunod pang tanong ni Cristy, “Siyempre Rosanna dalawang bibig ang nagsasalita ngayon isang nagsasabing bastos si Onyok, nanay niya sinapak ni Onyok, sinaktan niya. Eh, ‘yung isang bibig ay nagtatanong, bakit isang nanay sinapak ng anak? Anong kontra mo du’n?”

Sagot ni Osang, “Meron nga… may nababasa pa kong adik si Onyok, pero hindi. In fairness, hindi. Hindi siya adik, hindi siya umiinom, sobrang kuripot nga n’yan. Tingnan mo Onyok, kahit anong gawin mo, sa akin magre-reflect, Rosanna Roces pa rin ang titirahin sa… Hindi naman Onyok, hindi naman ikaw. Ang nanay mo. Parati kong sinasabi, ingatan mo, ingatan mo, ingatan mo. Kahit ganito ako, ‘yung respeto ng tao sa akin ‘pag naglalakad ako sa daan, hindi n’yo kayang kunin.”

May pag-asa pa bang maayos ang naging away nilang mag-ina? “Matagal ‘to, matagal ‘to kasi hindi ordinary ‘to, eh. Buti pa nga, pinatay mo na lang ako, o sana sinagasaaan ako ng pison, kinidlatan ako o mahulog ako, basta.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Viber
Twitter
Facebook
Pinterest
WhatsApp
ReddIt
Telegram
LINE
    Previous articleKaya raw walang gaanong project
    Chokoleit, pinasukan na ng hangin ang tuktok?!
    Next articleSari saring chikka 04-10-13
    Arniel Serato

    RELATED ARTICLESMORE FROM AUTHOR

    Kaso nina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa Tulfo Brothers, ibinasura ng korte

    Sa visitation rights ni James Yap kay Bimby Kris Aquino, sinusuway ang court order?!

    Janelle Manahan at Ramgen Revilla, marami pang sex videos!

    LATEST NEWS

    IN LOVE KAY MY-HAL: Ruru Madrid, tinawag na ‘my grumpy unicorn’...

    Photostories March 3, 2021

    Arjo Atayde special guest ni Maine Mendoza sa ‘Daddy’s Girl’ ngayong...

    Photostories March 3, 2021

    KZ Tandingan inawit ang kauna-unahang Filipino OST ng Disney para sa...

    Photostories March 3, 2021

    Angelica Panganiban masaya sa piling ng non-showbiz boyfriend

    Photostories March 3, 2021

    VLOG WATCH: Kylie Verzosa and Jake Cuenca’s Palawan Escapade (no proposals!)

    Photostories March 2, 2021

    News about the famous people from the Philippines.

    Pinoy Parazzi Philippines
    Unit 345 – 346, 3/F, Peninsula Centre
    No. 67 Mody Road
    Kowloon, Hong Kong
    Contact us: contact@pinoyparazzi.com

    LATEST NEWS

    Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hiwalay na ba?

    Photostories February 23, 2021

    Things You Didn’t Know About Pauline Mendoza

    Photostories February 23, 2021

    VLOG WATCH: Usapang Breadwinner with Dimples Romana and Julia Montes

    Photostories February 23, 2021

    FDCP reveals honorees of 5th Film Ambassadors’ Night

    Photostories February 22, 2021

    Former TGIS star Kim delos Santos nag-aaral para maging psychiatric mental...

    Photostories February 22, 2021

    POPULAR CATEGORY

    • Usapang Paratsi4621
    • Photostories2951
    • Reyted K2829
    • Lex Chika1645
    • Blind items1640
    • John's Point1276
    • La Boka1164
    • Past Issues1054
    • Mga Mata ni Lolita923
    • Oh. C’mon!747
    • Ayaw Paawat741
    • Point of Boy731
    • Shooting Range727
    • Pepperoni724
    • Disclaimer
    • Privacy Policy
    • Contact Us
    • About Us
    Copyright © 2021 · Pinoy Parazzi.