Roxanne Guinoo, sandamakmak ang bodyguards – Archie de Calma

ADVERTISING

Roxanne Guinoo, sandamakmak ang bodyguards – Archie de Calma

Roxanne Guinoo, sandamakmak ang bodyguards – Archie de CalmaDUMATING SI ROXANNE Guinoo sa set ng Spoiled Brat na tinatampukan nina Ogie Alcasid at Michael V, para sa APT Entertainment at GMA Films na may karay-karay na bodyguards. Pinatotohanan nito ang mga chika na talagang lumalabas si Rox na may kasa-kasamang bodyguards courtesy of his rich boyfriend na half-German.

ADVERTISING

Hindi naman ikinaila ni Rox ang bagay na ito. Aware siya na may mga tunmatawag na sa kanyang Gretchen Barretto, Jr. dahil ang drama raw ni Rox ngayon ay parang si Greta, feeling rich and influential.

Itinuwid naman ni Rox ang mga maling akala sa ganitong chika. Unang-una, bata pa ang BF ni Rox na from out of showbiz, three years her junior pa nga, kaya huwag daw sanang akalain na pera lang ang gusto ng dalaga rito.

Nagiging sensitive si Rox sa ganitong nake-create na impression dahil hanggang ngayon naman ay nakikitang kayod-marino siya. Kahit nga raw wala pa siyang bonggang assignment sa ABS-CBN, hayan at kinuha pa siya ng GMA Films para gumanap bilang teacher ni Ogie sa Spoiled Brat. Palabas pa rin ang Tarot kung saan sumusuporta siya kina Dennis Trillo at Marian Rivera.

ADVERTISING

‘Yun ay dahil hindi siya dumidepende sa ibang tao, maski sa BF niya, para lang makapamuhay nang marangya.

Nakagawian na nga raw na may bodyguards na sumasama kay Rox para sa mas madali na sa pagkikita nila ng kanyang BF. At inamin naman ni Rox, kapag lumalabas sila, dahil may tipo at may kaya rin sa buhay ang BF niya, hindi maiiwasang napapagtripan ito ng kung sinu-sino, kaya para makaiwas na lang sa basag-ulo, mas nakabubuti ‘yung may kasama silang bodyguards.

Read Archie de Calma’s Blind Item: Dalawang aktor, panakip-butas lang ang mga dyowa

Calm Ever
Archie de Calma

ADVERTISING