Roxanne Guinoo, nakipag-ayos na kay Jake Cuenca! – Alex Brosas

ADVERTISING

Roxanne Guinoo, nakipag-ayos na kay Jake Cuenca! – Alex BrosasRoxanne Guinoo, nakipag-ayos na kay Jake Cuenca! – Alex BrosasMUKHANG MAGANDA NA ang relasyon nina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca.

Sa Star Magic Ball kasi, nakita silang nag-uusap na. Hindi naman kaila sa marami na hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa. Masyadong masalimuot ang mga pangyayari between the ex-couple.

ADVERTISING

Hindi nga ba’t ang daming nakaw-eksenang ginawa itong si Roxanne basta mapansin lamang siya ni Jake noon. Pati nga si Bea Alonzo, nasangkot sa away nina Jake at Roxanne. Ang tsika noon, inaway-away ni Roxy si Jake sa harapaan mismo ni Bea. Nangyari ito nang mag-show sila noon sa Guam. Ang nakakaloka pa, lasing daw si Roxanne nang makipagtalo ito kay Jake. Sa kanilang bangayan nga raw ay hinatak ng aktres ang damit ng actor na siyang ikinapunit nito.

Well, all that is water under the bridge now. Kasi, taken na muli si Roxanne. Rich nga raw ang boyfriend ngayon ng dalaga at nagkaroon na rin ito ng peace of mind dahil nga non-showbiz na ang kanyang dyowa.

Still on Jake, naloka raw ang lahat ng naroon sa Star Magic Ball nang kulit-kulitin daw ng actor si Melissa Ricks. Gusto raw kasi niya itong makasayaw. Eh, ang Melissa, playing hard to get kaya hatakan daw ang nangyari sa dalawa.

ADVERTISING

Siguro, natatakot si Melissa na matsismis muli kay Jake. Matagal na kasing tumigil sa panunuyo si Jake sa young actress. Hindi na ito dumadalaw sa kanilang bahay at hindi na rin nagpapadala ng flowers at chocolates.

Read more of today’s showbiz items from Alex Brosas:

Kristine Hermosa, agaw atensiyon kay Diet?

Anne Curtis at Sam Milby, nagliligawan ulit?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING