Roxanne Guinoo, hirap sa pagbubuntis!

ADVERTISING

Roxanne Guinoo, hirap sa pagbubuntis! Roxanne Guinoo, hirap sa pagbubuntis! MATAPOS ang ILANG Linggo ay natapos na rin at long last ang “ban” kay Baby James Yap, matapos na sabihin nito sa isang interbyu ang “Villar! Villar!”. Say na aming impormante, kinausap daw ni Kris Aquino nang masinsinan ang anak. “Naloka kasi talaga nang todo-todo si Kris knowing Baby James na sobrang smart ng bata, kaya hayun hindi niya akalain na ‘yung ginawa niya ay karagdagang boto para sa kalaban ng kanyang Tito Noynoy,” pahayag ng isang taong malapit sa mga Aquino.

Samantala, makikita na uli ngayon si Baby James na kasama si Kris Aquino sa mga pangangampanya unlike before na itinatago ang bata sa mga hotel. “Matalino si Baby James at madali siyang makaintindi. Nagkataon lang na hindi nai-briefing ang bata,” pagmamatuwid pa ng aming spy.

INAMIN NI ROXANNE Guinoo na nahihirapan siya sa pagbubuntis. “Hindi nga ganu’n kalaki ang tiyan ko dahil maliit lang siya, pero nahihirapan talaga ako, kasi mahina ang kapit ng bata sa katawan ko,” pahayag ni Roxanne nang exclusive siyang makausap ng Pinoy Parazzi kamakailan.

Ayon pa kay Roxanne, pinatitigil na siyang mag-work ng kanyang doctor dahil sa hindi magandang kalagayan ng bata sa kanyang sinapupunan. “Kaya nga hindi na ako masyadong tumatanggap ngayon ng mga commitment, dahil siyempre ang priority ko ngayon ay ang magiging baby ko.”

Samantala, tuloy pa rin by next year ang pagpapakasal ni Roxanne sa kanyang non-showbiz boyfriend.

ADVERTISING

ANG ISA PALA sa tunay na dahilan kung bakit lumipat si Rachelle Ann Go sa Party Pilipinas ay sa feeling nito na hindi siya mapapansin sa Dos habang naririyan si Sarah Geronimo na itinuturing na ‘reyna’ ng network. “Tama lang na lumipat si Rachelle Ann, dahil hindi naman talaga siya bobongga sa Dos. Siyempre mas priority du’n si Sarah,” pahayag iyon ng isang taong malapit kay Rachelle Ann.

Samantala, hindi kawalan sa ASAP XV ang pag-alis ni Rachelle Ann dahil una at higit sa lahat, mas marami ang may K sa nasabing programa. Kung si Claudine nga ay hindi pinanghinayangan ng Dos, si Rachelle Ann pa kaya?

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING