Roxanne Guinoo at BF, ‘di pa split! – Morly Alinio

ADVERTISING

Roxanne Guinoo at BF, ‘di pa split! - Morly Alinio

Roxanne Guinoo at BF, ‘di pa split! - Morly AlinioEVERY WEDNESDAY AY magkasama pa rin naman kaming nagsisimba sa Baclaran. Smooth naman ang relationship at walang problema.”

ADVERTISING

Kay Roxanne Guinoo ang pahayag na iyon kaugnay sa balitang split na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na isang Chinese. Ayon sa aktres, maganda at maayos ang kanilang relasyon ng kasalukuyang boyfriend.
Usap-usapan kasi na nasasakal na raw si Roxanne sa bagong boyfriend  kung saan ay hindi na makakilos ng normal ang dalaga dahil lagi itong may bodyguard sa tabi. “Normal naman ang buhay ko at kung may kasama ako, e, hindi naman sobrang dami, grabe naman ‘yun,” sabi pa ni Roxanne. Isa lang ang pakiusap ng dalaga, “Sana huwag na natin siyang banggitin dahil hindi naman siya artista.”

[ad#post-ad-box]

Sinabi ni Roxanne na ngayong muli silang magkakasama ni Jake Cuenca sa Your Song ay ‘di ito nangangahulugan nagkabalikan sila. “Ang importante ay okey na ang lahat at kung nagkaru’n man ng problema nu’n, e, tapos na ngayon. Mas masarap kaibigan si Jake,” sabi pa ng dalaga.

MATAPOS MAKIPAGHIWALAY SA asawang si Archie Alemania ay muling nakipaghiwalay na si Mickey Ferriols sa childhood sweetheart niyang ipinagpalit sa live-in partner na si Archie.

ADVERTISING

“Actually, parang mas una yata akong nagkaru’n ng boyfriend bago siya nag-girlfriend matapos kaming maghiwalay a year ago,” sabi ni Mickey. “Mas masaya ang relationship namin ngayon kasi kapag nagkikita kami nagagawa na naming magbiruan at kahit wala na kami ay sweet pa rin siya sa akin.”

Ayon kay Mickey, unti-unti na rin niyang sinasabi sa kanilang anak ni Archie ang sitwasyon. “Salamat naman ang baby ko kaya tingin ko ay hindi naman magiging malaking problema sa naging desisyon namin ni Archie dahil ang importante rito, hindi man nag-last ‘yung pagsasama namin, e, ‘yung pagiging magkaibigan ay naroon pa rin.”

Dugtong pa rin ni Mickey, meron nang bagong pag-ibig si Archie ngayon.

“Okey lang sa akin iyon dahil karapatan naman niyang maging masaya. Actually, ipinagpapasalamat ko nga dahil nangyari ito sa amin ni Archie nang hindi pa kami ikinakasal dahil kung kasal kami, mas lalong magiging problema dahil kailangan pa naming magpa-annul. Sa nangyari, mas lesser ang dapat naming gawin dahil hindi na namin kailangang magdemandahan pa para maghiwalay.”

NABASA NAMIN ANG isang invivation nina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez para sa kanilang kasal sa Martes (October 27 at ganito ang nilalaman ng imbitasyon: “Malugod po kayong inaanyayahan nina Manuel Mar A. Roxas at Korina Maria B. Sanchez sa kanilang pag-iisang dibdib at pagtanggap ng pagpapala ng Panginoong Diyos. Martes ika-dalawampu’t pito ng Oktubre taong dalawang Libo at siyam, ikatlo ng hapon sa simbahan ng Santo Domingo Quezon Boulevard Quezon City. Ang pagdiriwang at salu-salo ay itutuloy sa Araneta Coliseum Quezon City,” na medyo ikinataas ng aming kilay.

Teka at isa pang teka, akala ko ba ay walang reception? Bakit may salu-salo?  Hay naku, sina Mar at Korina mukhang gumimik at kesyo ibibigay nila ang nakalaan nilang pera sa wedding reception sa mga kababayan nating kapus-palad partikular ‘yung mga nasalanta ng bagyong si Ondoy at Pepeng.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING