Parazzi Chikka: Roxanne, frozen delight?!

ADVERTISING

Parazzi Chikka: Roxanne, frozen delight?!

Kamusta na kaya ang Star Circle Quest alumna na si Roxanne Guinoo? Aba’y halos isang taon nang hindi nararamdaman ang kanyang presence sa showbiz noh! Natsugi na siya at lahat sa gag show na Banana Split, inabangan naman siya ng kanyang fans sa Precious Hearts Romances presents Bud Brothers. But noh, biglang hindi natuloy ang byuti ng lola n’yo sa matatapos ng Bud Brothers. Pero quiet lang si Rox kung bakit nakipag-split siya sa Banana Split at nawala ang kanyang halimuyak sa Bud Brothers.

ADVERTISING

Tanong tuloy ng marami, tuluyan na bang magiging frozen delight si Rox? Sayang na sayang naman ang kanyang talent, huh! ‘Di ba nga dati, ginu-groom  siyang maging Next Dramatic Actress. Ano’ng nangyari? Nagmukha lang tuloy saving grace ang pagkakasama niya sa pelikulang pinagbibidahan ni Marian Rivera at Dennis Trillo. Para lang masabing may project, isiningit siya sa Tarot?!? What’s next na ba talaga for Roxanne? Magiging Next Dramatic Actress pa ba siya o Next Frozen Delight?!?

Parazzi Chikka
by Jean Oli
Photos by: Allan F. Sancon

Click to enlarge.

ADVERTISING

ADVERTISING